Advertisers

Advertisers

BUROL NG ‘ GOODMAN OF THE HOUSE ‘ AT PMCC FOUNDING LEADER, DINAGSA NG ILANG BATIKANG POLITIKO

0 65

Advertisers

ANG pagiging mapagmahal na ama, dakilang pastor ng simbahan at ‘father to his congregation ang mananatiling alaala ni Apostle Arsenio Tan Ferriol, Founding leader at Chief Executive Minister ng Pentecostal Missionary Church of Christ ( 4th Watch ).

Sa burol ni Apostle Ferriol sa AATF Sports Complex sa Malagasang II-D, Imus, Cavite, ilang batikang politiko na kinabibilangan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga kongresista at mga senador ang dumalaw upang ipaabot ang kanilang pakikiramay sa mga naulilang pamilya.

Kabilang sa mga dumating ay si Senador Sherwin Win Gatchalian kung saan Ikinalungkot ang pagkawala ng kaibigang leader ng PMCC.



Ayon kay Sen. Gatchalian, si Apostle Ferriol ay napakabuting leader, kaibigan at taga pagparating ng mensahe ng Panginoon at malaking kawalan ang pagpanaw nito dahil sa kanyang patuloy na pagtulong sa lahat mamamayan na walang pinipiling relihiyon na kinaaniban.

Nabatid kay Bishop Jonathan Ferriol, Deputy Executive Minister ng PMCC na bukod kay Gatchalian dumating rin sa lamay ng kanyang ama ang ibat-ibang Alkalde ng lungsod Munisipalidad, mga mambabatas na sina Senador Christopher Bong Go, Senator Francis Tolentino, Senador Joel Villanueva at iba pa.



Sinabi ni Bishop Ferriol, tinawag na ‘Goodman of the House ‘ ang kanyang ama dahil lahat ay kanyang kaibigan at tinutulungan kahit anong partido pa ang kanilang kinaaaniban.

Tiniyak din nito na kanilang ipagpapatuloy ang kanilang outreach program tulad ng medical mission matapos ang kanilang pagluluksa na malaking kawalan sa kanilang relihiyon.



Kaugnay nito, binanggit ni Bishop Ferriol na nakatakdang dalhin sa huling hantungan ang kanyang ama sa June 18 sa Malagasang , Imus Cavite. (JOJO SADIWA)