Advertisers

Advertisers

Pekeng doktor natimbog ng NBI

0 9

Advertisers

DINAKIP ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 61-anyos na lalaki na nagpapanggap na doktor.

Ayon sa NBI, lumapit sa kanila ang isa sa dating empleyado na siyang nagkumpirma na ang dati niyang employer ay hindi lisensyadong doktor.

Sa report, tumatanggap ng pasyente ang nasabing lalaki, nagbibigay ng medical advice, nagtitinda ng gamot sa kanyang klinika at nagpre-prescribe din ng gamot.



Sinabi ni NBI Public Corruption Division Chief, Atty. Cath Illescas, na nagpapanggap ang lalaki na doktor sa loob ng nakalipas na 20 taon at marami narin siyang naging pasyente.

Ayon naman sa lalaki, kumuha ito ng Medical Licensure Examination ng dalawang beses ngunit hindi pumasa, at ang kanyang intensyon ay tumulong sa mga tao.



Sinabi ni Illescas na inirekomenda nilang kasuhan ang suspek ng ‘illegal practice of medicine’ sa ilalim ng Medical Act dahil sa pagpapanggap niyang doktor, gayundin ang pagtitinda niya ng gamot sa ilalim naman ng Philippine Pharmacy Act. (J. Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">