Kasangga ng Sampaloc Movement (KASAMA) inilunsad ni Rep. Verzosa
Advertisers
Dinagsa ng libo libong residente ng Distrito ng Sampaloc sa Lungsod ng Maynila ang isinagawang launching ng Kasangga ng Sampaloc Movement (KASAMA) na pinangunahan ni Tutok to Win Party-List Rep. Sam Verzosa na isinagawa sa ngayong Miyerkules sa tahanan ng Holly Trinity Parish Church sa Balic Balic ng nasabing Lungsod .
Bago isinagawa ang launching activities ng KASAMA nagkaroon ng isang misa bilang pasasalamat sa mga biyayang naipagkaloob ng Tutok to Win Party-List partikular sa mga mahihirap na pamilya sa lugar at maging sa labas ng kamaynilaan.
Nagkaroon din ng medical at dental mission sa nasbing okasyon kung saan mayroon ding libreng gamot, kasabay ng pamamahagi ng wheel chair, grocery goods at iba pa.
Bago pa naipagpatuloy ni Rep. Verzosa ang pamamahagi ng Ayuda ay nagawang makapanayam ng mga mamamahayag ito at hindi naiwasang itanong sa kongresista ang tungkol sa napabalitang siya ay tatakbo bilang Alkalde ng Maynila sa 2025 election.
Mariin namang itinanggi ni Rep. Verzosa na siya ay tatakbo bilang Alkalde at ang isa sa pinagdiinan nito ay huwag munang pagusapan ang mga bagay na yan at ang dapat pagusapan ay kung paano matulungan ang mga mahihirap na pamilya hindi lang sa distrito ng Sampaloc kundi sa iba pang parte ng bansa.
Sinabi ni Verzosa na sa kasalukuyan ay naka focus ang kanyang tanggapan sa pagtulong at hindi na muna niya iniintindi ang politika dahil ito ay napakalayo pa.
Hindi rin pinalampas ni Rep. Verzosa na banggitin si Kuya Willy Revillame na katuwang niya sa pagtulong sa mga mahihirap na hindi kinakitaan ng pagtanggi sa oras ng kagipitan.
Kapansin pansin ang mga T-shirt na naka-imprenta ng mga katagang (KASAMA) Kasangga ng Sampaloc Movement, Rep. Sam Verzosa grew up in the streets of Sampaloc worked hard and turned his childhood dreams into reality, He is committed to giving back to his community paying it forward to the next generation. (Cesar Barquilla)