Advertisers

Advertisers

Arci madaling utangan pero nahihiyang maningil

0 8

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

NAGTAMBAL sa pelikulang Chances Are, You and I ang ang Kapamilyang si Kira Balinger at ang Kapusong si Kelvin Miranda.

Kaya tinanong namin si Kira kung ano ang pakiramdam na makapareha o makatrabaho ang isang artista na nasa kabilang TV station, lalo pa nga at itinuturing na mahigpit na magkalaban ang GMA at ang ABS-CBN sa kabila ng mga collaboration projects nila kamakailan.



Ayon kay Kelvin, “refreshing” at masarap makatrabaho ang mga taong hindi mo pa nakakatrabaho.

Sumang-ayon naman si Kira sa mga sinabi ni Kelvin.



Aniya “I share the same sentiments as Kelvin, na sobrang refreshing to work with somebody na you’ve never… that you’ve never like heard of before.

“Kasi siyempre within one network siyempre magkakaroon ng chika-chika yan, di ba, ‘Uy, naka-work ko si ganito, ganyan siya’, di ba?



“Pero now, again it’s very refreshing to get to work with someone and to get to know them on a level na wala ka talagang alam tungkol sa kanila, like nobody has set an impression for you in your head, kumbaga.

“So, iyon very refreshing at nakakatuwa to work with somebody from the other side, na sobrang dedicated din sa trabaho, na maayos din magtrabaho.

“Kasi siyempre I’ve never believed in the network wars, kasi I mean para po sa akin we’re all in the same industry for one goal, to give entertainment to people.

“So, I never understood why there was a war in the first place, so iyon po, nakakatuwa, refreshing.”

Kaya masaya si Kira na natapos na ang network war?

“Yes, I am po,” pakli ng magandang aktres.

Sa direksyon ni Catherine ‘CC’ O. Camarillo at sa produksyon ng Pocket Media Productions, Inc at Happy infinite Productions at released at distributed ng Regal Entertainment, Inc., naging tampok din sa Chances Are, You and I sina Tart Carlos, Jin Ho Bae, Anne Feo, Gian Magdangal at Al Tantay.

***

MADALING utangan pero mahiyaing maningil ang aktres na si Arci Munoz!