Advertisers

Advertisers

Beauty pageant bet at bf missing

0 48

Advertisers

NAWAWALA ang isang beauty pageant contestant sa Pampanga at kasintahan nitong Israeli sa Angeles City, Pampanga noong Biyernes.

Sa report ng Angeles City Police Office, ipinagbigay-alam ng mga kaanak ang pagkawala ng kandidatang si Geneva Lopezm 27 anyos; at nobyo nitong Israeli na si Yitshak Cohen, 37, kapwa nakatira sa Barangay Malabanias, Angeles City.

Nag-request din ang mga kaanak ng flash alarm sa isang abandoned burned vehicle mula sa Capas Municipal Police Station sa Tarlac.



Hindi na makontak ang dalawa mula pa Hunyo 21 ng hapon.

Bago ito, nagpaalam si Geneva sa mga kaanak na pupuntang Capas, Tarlac para makipagkita sa nagsangla sa kanila ng lupa noong 2021.



Patuloy pang nangangalap ng impormasyon at ebidensiya ang Angeles City Police upang matukoy ang kinaroroonan ng magkasintahan.

Ipinakalat na ng kaanak ang larawan ng magkasintahan sa social media para makatulong sa paghahanap sa mga ito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">