Advertisers

Advertisers

RORE missions ‘wag nang isapubliko — Marcos

0 53

Advertisers

MISMONG si Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. ang nagpasya na bawiin ang pahayag ng National Maritime Council (NMC) na isapubliko ang schedule ng rotation and resupply (RoRE) missions ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa press conference sa Malacañang na pinangunahan nina Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro, National Security Adviser Sec. Eduardo Año, at Department of Foreign Affairs (DFA) Acting Sec. Teresa Lazaro, inanunsiyo na napagdesisyunan ni PBBM na hindi na isasapubliko ang RORE missions schedule.

Sinabi ni Teodoro na ginawa ng Pangulo ang hakbang makaraang personal nitong makausap ang mga kawal ng pamahalaan mula sa Western Command (WesCom), partikular ang mga nagsagawa ng RORE mission, tungkol sa kanilang karanasan sa karagatan.



Nagkasa, aniya, sila ng mas malalim na pag-aaral at pagtaya kungsaan dito nila nasilip na hindi aksidente at misunderstanding lamang ang nangyari kundi sadyang agresibo at nagkaroon ng iligal na paggamit ng puwersa ang mga dayuhan.

Aniya, ang naging pahayag noong isang linggo ng NMC ay isa lamang initial assessment.



Gayunman, matatag aniya ang paninindigan ni Pangulong Marcos na sisikaping makahanap pa ng mapayapang solusyon sa nasabing usapin.

Samantala, inihayag ng security cluster ng pamahalaan na wala pa itong balak na irekomenda sa Presidente na i-convene o ipatawag na ang buong NSC.



Punto ni Año, epektibo namang napangangasiwaan sa ngayon ng konseho ang sitwasyon at iba pang isyu na may kinalaman sa ating teritoryo.

Maliban dito, nagpulong na ang lupon para tugunan ang usapin at ipatupad ang mga direktiba ng Punong Ehekutibo.

Sa kabilang banda, binigyang-diin ni Año na nasa discretion ni Pangulong Marcos o nasa kanyang pagpapasya kung ipatatawag o hindi ang full council kasunod na rin ng panawagan ng ilang senador na gawin ito bunsod ng anila’y lumalalang aksyon ng mga dayuhan. (Gilbert Perdez)