Advertisers

Advertisers

Ryza swak ang pagpapakalbo; Carla ‘di pa rin kering harapin si Tom

0 77

Advertisers

Ni BETH GELENA

PINASALAMATAN ni dating Vice President Leni Robredo ang aktres na si Julia  Barretto sa pag-invite nito sa kanya sa shooting ng kanilang movie ni Joshua Garcia.

Sa Facebook account ni Leni, she thank Julia for inviting her.



Inimbitahan siya ng  actress para mag-lunch sa set ng movie nilang Unhappy for You ni Joshua.

Nasurpresa ang dating VP dahil hindi niya akalain na lahat ng members ng team ay parte ng kanyang campaign noon.



Very proud din si Robredo dahil 95% ng movie ay sa Naga (ang kanyang hometown) kinunan.

“Lunch with Julia in Naga. She invited me to visit the set after. Very pleasant surprise to know that a number of the members of the team volunteered during the campaign, including their director, Petersen Vargas.



“Ang saya sa set. Met Joshua, Kaila, Ketchup, Noni Buencamino (his wife, Shamaine, is from Naga), and the rest of the artists and crew. 95% of (Un)happily For You is being shot in Naga kaya dapat madalan kan mga taga Naga Magayonon ang istorya. P.S. Jayson, ikaw pala inspirasyon sa karakter ni Joshua. Galing!” wika ng dating bise.

***

NATANONG si Carla Abellana kung handa na ba siya sakaling magkita sila ng ex husband na si Tom Rodriguez.

Aniya, kung sakali raw na mag-krus ang landas nila ay hindi na raw niya na kailangan pansinin o kausapin pa ito.

Malinaw ang naging sagot ng Kapuso aktres.

Dinugtungan pa niya itong hindi pa raw talaga siya handa na makatrabahong muli ang dating asawa.

Matatandaang nagbalik na rin sa GMA Network si Tom.

Ang ex celebrity couple ay divorce na dahil bilang isang US citizen si Tom ay nag-file  sa korte ng Petition of Recognition of Foreign Divorce Decree.

***

ANG ganda ni Ryza Cenon pero hindi siya nag-atubiling magpakalbo.

Aniya sa kanyang IG Page, “BRAVE… the perennial muse @iamryzacenon for another #Sunny16Settings MUA”

Ang daming nagtataka at nagtatanong ng BAKIT?

May movie raw ba ang aktres at kailangan pa niyang magpakalbo in real o para lang sa kanyang content sa vlog.

“Sayang naman pagpapakalbo kung di gawing content.”

“ghorl para sa movie!”

“Beautiful face! Pag maganda talaga face, keri ang buzz cut, like Demi Moore and Natalie Portman.”

“Why not kung maganda naman movie nya. Di ako magdadalawang isip sa paggastos & support na din sa pelikulang Pilipino para gumawa pa ng magagandang movies”

“Mas bagay pa nga sa kanya yung kalbo!!!! So jelly!!”

“Grabe naalala ko bigla si Sinéad O’Connor sa kanya.”

“Jusko ung post na lang nya naflood sa mga feeds ko. Masyado binigdeal nito pagkakalbo nya”

Maganda naman ang epekto ng pagpapaskin head ng aktres dahil bumagay sa kanya.