Advertisers

Advertisers

Ruru at Bianca pinipigil ang gigil sa isa’t isa dahil sa relihiyon

0 55

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA kabila na matagal nang magkarelasyon ang celebrity couple Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Bianca Umali ay ubra na silang mag live in together sa iisang bubong.

Pero sinuway nila ang nararamdamang gigil dahil sa respeto sa kanilang relihiyon.



Isa kasi sa ipinagbabawal ang pagsasama ng dalawang tao na kahit wagas ay di puwedeng lumabag sa utos ng kinakaaniban  na relihiyon nina Ruru at Bianca.

At this point, hanggang di sila kasal ay never at di puwede sa Iglesia ni Cristo na tunay na ipinagbabawal ang pagsasama nang di pa kasal.



Napag uusapan naman daw ng couple ang usaping kasal.

Alam nila na darating din sila sa panahon para bumuo ng sariling pamilya but di pa nga raw puwede dahil may mga gusto pa silang ma- achieve sa kani-kanilang career.



Wait na nga lang sa takdang panahon na sila ay maikasal para legal na ang pagsasama.

***

Ryza Cenon naikumpara kay Diwata

WALANG kaabug abog at very professional si Ryza Cenon na nagpakalbo.

Sa gagawing film ni Ryza ay challenge sa kanya ang bagong role o character na gagampanan.

Bumilib ang buong team sa matapang na pagpapakalbo ni Ryza.

Sa kabila na kalbo na si Ryza ay marami pa ring netizens ang na-cute-an at gandang ganda kay Ryza.

Bigla raw naikumpara si Ryza kay Diwata na nag-Reyna Elena kamakailan na suot ang maganda at eleganteng gown.

Kaya sabi ng netizens na si Ryza, ang babaeng kalbo na ay pretty pa rin.

Samantala, si Diwata ay chararat pa rin daw komento ng netizens nang pagkumparahin ang itsura nila ni Ryza.

Well well well… ‘Yun na!