Advertisers

Advertisers

PANGONGOLEKTA NG TOLL SA CAVITEX, SINUSPINDE NG 30 DAYS

0 57

Advertisers

NAKATAKDANG magsimula sa Lunes ( Hulyo 1, 2024 ) ang inaasam-asam na pagsuspinde sa koleksyon ng toll sa CAVITEX gaya ng sinabi ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Ito ang ibinunyag ni Senator Ramon Bong Revilla, Jr. noong Biyernes ng umaga (Hunyo 28)

Sinabi ni Revilla na hiniling niya kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista noong nakaraang linggo na ipatupad ang toll holiday sa lahat ng segment, at hindi lamang sa ilang bahagi gaya ng naunang inanunsyo.

“Nakausap ko si DOTR Sec. Jaime Bautista ilang araw na ang nakalipas. Binalita nga niya sa akin na sa July 1 ay magsisimula na ang pansamantalang pagsuspinde ng pangongolekta ng toll sa CAVITEX. Hiniling natin na dapat buong CAVITEX na ang sakop, at maganda na lahat ng segments ay toll-free na for 30 days,” masigasig na ibinahagi ni Revilla



Maagang bahagi ng linggong ito, umapela si Revilla sa Toll Regulatory Board (TRB) na pabilisin ang pagpapalabas ng resolusyong kinakailangan para sa pagpapatupad ng nasabing toll holiday.

“Sobra akong natutuwa na finally ay magsisimula na at mapapakinabangan ng ating mga kababayan ang isang buwan na relief na ito sa pangongolekta ng toll sa CAVITEX. Maraming salamat sa ating Pangulong Bongbong Marcos for making this happen. Tunay na mapapakinabangan nito ang mga ordinaryong Pilipino na gumagamit ng CAVITEX,” dagdag ng Senador. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">