Advertisers

Advertisers

Cong. Irwin Tieng, VM Yul Servo may hirit kay Sen. Tolentino

0 36

Advertisers

HINIRITAN nina Congressman Irwin Tieng at Vice Mayor Yul ang mungkahi ni Senator Francis Tolentino na ilipat ang Manila Zoo sa Masungi Georeserve sa Baras, Rizal, dahil ‘di lahat ng taga-Maynila ay may kakayahan na bumiyahe sa Rizal para lang bumisita sa zoo.

Sinabi pa nila na ang mungkahi ng senador ay para na ring tinatanggalan ng prebilihiyo ang mga taga-Maynila na ma-enjoy ang zoo kung saan ito naroroon.

Sa kanyang pagsasalita bilang Congressman at kinatawan ng District 5 ng Maynila kung saan naroon ang Manila Zoo , sinabi ni Tieng na ang local government sa ilalim ni Maayor Honey Lacuna ay napakaganda at napakahusay ng ginagawang pag-aalaga sa mga hayup sa zoo.



Binigyang diin ni Tieng na hindi lamang in-upgrade ang kulungan ng mga hayup sa loob ng zoo kundi maging ang water filtration system at may state-of-the art sewerage treatment plant na rin ang zoo.

“Lahat ng efforts using modern technology ay ginagawa ng ating lungsod para maayos ang kalagayan ng ating mga hayup. ‘Wag din sana isipin na madumi. Punta po kayo,” pahayag ni Tieng.



“Dii namin gusto na ilipat ang Manila Zoo kasi di naman lahat ng taga-Maynila me kapasidad na magpunta pa sa Masungi para tumingin ng mga animals,” dagdag pa nito.

Ganitong rin ang komento ni Servo, na nagsabi ng: “Yung mga kababayan natin dito sa Maynila, hindi naman lahat ay kayang mamasyal pa sa malayo. Eh dito, pwede mo nga lakarin, wala nang pamasahe.”



“Hindi pinababayaan ang mga hayup sa Manila Zoo. Alagang-alaga sila. Ang tagal-tagal na ng zoo sa Maynila. Makakaasa kayo na di namin pinaba bayaan ang mga hayup sa zoo at gaya nga ng sinabi ni Mayor Honey, maraming programa at plano ang pamahalaang-lungsod para sa manila Zoo,” saad pa ni Servo.

Sinabi pa ng vice mayor bilang kontraryo sa pahayag ni Tolentino sa pagkamatay ni ‘Mali’ dahil umano sa kulungan nito, sinabi ni Servo na si ‘Mali’ ay nariyan na sa kanyang kulungan kahit noong maliit pa lamang siya. Ang elepante ay namatay dahil sa katandaan na kung saan inabot na nito ang kanyang maximum lifespan para sa elephante.

“Talagang araw na ni Mali na magpaalam,” nakangiting pahayag ng bise alkalde.

Ang reaction nina Servo at Tieng ay matapos na isangguni ni Tolentino ang paglipat ng Manila Zoo ng dalawang beses. (ANDI GARCIA)