Advertisers

Advertisers

Infra sa Cordillera bubuhusan ni Marcos ng P2-B

0 13

Advertisers

NAGLAAN ang pamahalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng halos P2 bilyon para sa pagtatayo ng mga pangunahing imprastruktura sa Cordillera region.

Sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng ayuda sa mga magsasaka at mangingisda sa Apayao province, sinabi ni PBBM na sinisimulan na ang ilang priority projects sa rehiyon.

Kabilang sa mga proyektong ito ay ang Marimay Earthfill Dam na nagkakahalaga ng P238 milyon at Piddig-Carasi-Calanasan Road na nagkakahalaga ng P220 milyon, na kapwa inaasahang matatapos sa susunod na taon.



Samantala, tiniyak ni Marcos ang kahandaan ng pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga taga-Cordillera sakaling tamaan ito ng kalamidad.

Sa katunayan, sinabi ni PBBM na may nakahanda nang pondo, pagkain, at non-food items na nagkakahalaga ng P83.744 milyon para sa rehiyon.



Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos pangunahan ang pamamahagi ng ayuda sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Niño phenomenon sa Luna, Apayao.

Isa ang Apayao sa mga posibleng salantain ng kalamidad ngayong nagbabadya na ang epekto ng La Niña.



Samantala, mahigit P700 milyong halaga rin ng tulong ang inihatid ni PBBM sa naturang rehiyon. (Gilbert Perdez)