Advertisers

Advertisers

Ecstasy buking sa bra ng bebot na dadalaw dyowang nakakulong

0 3

Advertisers

Kulong ang isang babae nang mabuko ang mga nakasiksik na tableta ng ecstasy sa kanyang bra sa detention facility ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa San Pablo City, Laguna noong Sabado.

Tinukoy ng mga awtoridad ang suspek na si alyas Lea, residente sa lungsod.

Ayon sa ulat, sinasalang sa inspeksyon ang suspek bago ito payagang makapasok at madalaw ang nakakulong niyang live-in partner sa pasilidad ng BJMP sa Barangay San Gregorio nang matuklasan ng babaeng personnel ng ahensya ang apat na tableta ng nasabing party drug sa bra nito.



Dahil dito, inaresto ang suspek at kinumpiska ang ilegal na droga bilang ebidensya sa isasampang kaso laban dito.

Kakasuhan ito ng paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 gaya ng kinakaharap na asunto ng kanyang live-in partner.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">