Advertisers
Kulong ang isang pekeng abogado na naniningil ng mula P500,000 hanggang P700,000 na bayad para sa no appearance annulment case ng mga mag-asawang naghiwalay.
Ayon kay NBI Batangas chief Attorney Christopher Hernandez, dati nang nadakip ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Marso ang suspek na hindi tinukoy ang pangalan dahil sa pareho nitong modus.
Aniya, nakapagpiyansa ang suspek kaya nagpatuloy ito sa kanyang raket. Kinumpirma rin ni Hernandez na hindi kasama sa mga listahan ng Supreme Court ang suspek. Natuklasan na nabigyan ng suspek ng court decision ang mag-asawang complainant pero nadiskubre nilang peke ang nasabing dokumento dahil wala itong rekord sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Nasa 12 complainant na ang nagsampa ng kasong estafa na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act laban sa suspek.
Samantala, kinondena ng Integrated Bar of the Philippines Batangas Chapter ang pagkaladkad ng suspek sa kanilang propesyon para kumita sa masamang paraan.
p”The IBP Batangas Chapter encourages the public to be vigilant against sham court processes advertised on social media and done by non-lawyers or unauthorized persons,” saad sa pahayag ng IBP.