Advertisers

Advertisers

3 PINOY SEAFARERS NA BINIHAG NOONG ABRIL 2024, LIGTAS NA NAKABALIK SA BANSA

0 4

Advertisers

TATLONG Pinoy seafarers mula na dating kinubkob na Portuguese-flagged container ship na MSC Aries noong ika-13 ng Abril 2024 ang nakauwing ligtas pabalik sa bansa,napag-alaman sa ulat kahapon.

Ang mga naturang seafarers ay tatlo sa apat na Pilipinong crew members na na-hostage nang makubkob ng Iranian authorities ang MSC Aries habang ito ay dumaraan sa Strait of Hormuz, malapit sa Gulf of Oman.

Ang MSC Aries ay pagmamay-ari ng Gortal Shipping Inc. at chartered ng MSC.



Ang mga pinoy seafarers ay masayang sinalubong ng OWWA Airport Team, kasama ang ilang kawani mula sa Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA).

Bukod sa financial assistance ay sasagutin din ng gobyerno ang gastusin atpamasahe ng mga ito pauwi sa kanilang probinsiya.



Matatandaan na nakauwi na ang isa sa kanila noong May 10. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">