Advertisers

Advertisers

Drug den sa Bulacan sinalakay: 4 tulak arestado

0 22

Advertisers

Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang apat katao via buy bust operation, habang nasa loob ng isang drug den, sa Brgy, Minuyan Proper sa syudad ng San Jose del Monte, Bulacan nitong Sabado, Agosto 3,2024.

Naaresto mula sa bahay ng maintainer ng drug den na si Alfred Marcosa, 36-anyos ang mga pinatuyong dahon ng marijuana, shabu, at drug paraphernalias.

Kinilala ang PDEA ang tatlo pang mga suspek na sina Mary Rose Nabo y Umbahin, 28; Mae Gutierrez y Dela Cruz, 27; at John Eric Estabaya y Lorenzo,18-anyos, kapwa residente ng Brgy. Minuyan Proper.



Nakumpiska mula sa mga supek ang 15 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P102,000.00, isang gramo ng one marijuana at marked money na ginamit.

Samantala. detenido ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">