Advertisers
PORMAL nang nagbitiw bilang miyembro at Vice President for Luzon ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) si Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino.
Sa isang press briefing, ipinakita ni Tolentino sa mga mamamahayag ang kanyang liham kay dating PDP President Congressman Jose Alvarez,
“I am writing to formally inform you of my decision to disengage from PDP party activities and pursue a path for now as an independent legislator, effective immediately. This decision comes after careful deliberation and is due to significant differences in our foreign policy directions, particularly regarding the West Philippine Sea”, nakasaad sa kanyang liham.
Magugunitang nanawagan si Sen Robin Padilla, ang ang bagong Presidente ng PDP, na magbitiw si Tolentino bilang kasapi ng PDP, bagay na ikinasskit umano ng kanyang damdamin.
Sinabi rin ni Tolentino na nakipag usap siya kay dating Pangulo Rodrigo Duterte sa Davao hinggil sa kanyang pag alis sa partido at naunawaan naman nito ang kanyang desisyon. Naganap umano ang kanilang meeting bago pa manawagan si Padilla na siya ay kumalas na sa partido.
“Ang pag alis ko sa PDP ay base sa prinsipyo, hindi po ako humihiwalay kay Tatay Digong, ang aming pagsasama at pagkakaibigan ay malalim, hindi kami naghihiwalay, patuloy ko siya sinusuportahan at kami ay magkasama habambuhay”, dagdag pa ni Tolentino.
Nilinaw ni Tolentino na wala siyang partido ngayon at mananatiling isang independent legislator para sa bansa at para sa mga Pilipino.
Umaasa rin si Tolentino na sa kanyan* pag alis sa PDP ay manatatili silang magkakaibigan nina Sen. Bong Go at Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
“We will remain as friends, as colleagues and as their Majority Leader, I will continue to facilitate legislative measures”, pagtatapos ni Tolentino. (ANDI GARCIA)