Advertisers

Advertisers

105% target collection nakuha ng Bureau of Pernits ng Maynila , highest number of new businesses naitala din

0 26

Advertisers

NAKUHA ng Manila’s Bureau of Permits ang 105 percent na target collection nito kumpara sa parehong period noong nakaraang taon.Nakapagrehistro din ito ng highest number of new businesses noong 2023 kumpara sa taong 2022 at patuloy pa itong tumataas.

Dahil dito ay pinapurihan ni Manila Mayor Honey Lacuna si permits bureau chief Levi Facundo at ang kanyang team at iginiit ng lahat ng revenue-generating departments, bureaus and offices na “kung ang gingawa ay episyente, maganda ang magiging takbo ng Maynila.”

Sa bahagi ni Facundo, ay pinasalamatan niya ang alkalde at Vice Mayor Yul Servo at sinabi na kung wala ang suporta nito ay hindi maaabot ang ganito kataas na koleksyon at binigyang diin na :”malakas at maayos ngayon ang kalagayan ng pagnenegosyo sa Maynila.”



Nabatid na nalagpasan ng permits bureau ng 2,507 ang bilang ng mga business permits na kanilang prinoseso kumpara noong 2023 at lungsod ngayon ay nasa 98 percent na kumpara sa sa bilang sa kabuuan ng 2023.

At dahil may limang buwan pa na natitira, sinabi nito na tiyak ng masasapul ang target at baka malagpasan pa ito.



Sa kabuuan, sinabi pa ni Facundo na ang bureau ay naabot na ang 71 percent ng kanilang budget na 400 million na ayon sa kanya achievable base na rin sa datos, kung saan mayroong 3,000 applications para sa new businesses at may 2,000 na nagpadala ng kanilang mga abiso o notices para i-settle ang kanilang statements of account (SOA) at mayroon pa ring libo-libo na na hindi pa nagre-renew.

Binanggit ni Facundo ang suporta nina Lacuna at Servo gayundin ang kanyang mga staff, sa mga programang inilunsad ng bureau tulad ng first wedding expo in the city, kung saan ang proyekto ay nakapag-inject ng P10 million sa ekonomiya ng lungsod at nakalikha ng 400 jobs para sa Manila residents.



Samantala ay nanawagan si Lacuna sa mga business owners na tumugon sa payo ni Facundo na mag- online na para sa kanilang mga inquiries at iba pang transactions sa bureau of permits, dahil ito ay mas episyente, mas mabilis at makaka-save pa ng oras, pagod at pera kaysa sa pupunta pa ng Manila City Hall .

Ayon kay Facundo, ang lahat ng business inquiries ay maaari ng i-email sa permits@manila.gov.ph at makakatanggap ng kasagutan sa loob lamang ng 24 na oras.

Mas mabilis din aniya kung ang isang application ng business owner ay sasali sa viber ng bureau of permits help desk,na tutugon naman mula 8 a.m. hanggng 5 p.m. (ANDI GARCIA)