Advertisers
NASAMSAM ang mahigit P5 milyon halaha ng shabu sa magkahiwalay na anti-illegal drug operations sa lungsod ng Davao, Linggo ng umaga.
Sa operasyon ng mga operatiba ng Baliok Police Station sa Barangay Dumoy 1:30 ng umadaling-araw, nasabat ng mga awtoridad ang tinatayang market value na P4.8 milyong halaga ng shabu at naaresto si Dennis Triston, 37 anyos, tinaguriang Top 1 regional level drug personality.
Arestado rin si alias “Gar”, 34.
Samantala, sa Talomo, nasabat ng mga awtoridad ang iligal na droga na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P501,500 mula sa apat na “tulak” sa buy-bust operation sa Deca Talomo 5:00 ng umaga.
Kinilala ng Davao City Police Office ang naaresto na si Alias Topher, 25, isang virtual assistant at na-tag bilang high-value target.
Ang iba pang nadakip ay sina alyas JC, 26; Haiko, 22; at Riza, 25.
Ang mga naaresto ay nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act.