Advertisers

Advertisers

Mayor nanampal ng photog

0 21

Advertisers

Nagdugo ang mata at pasa ang mukha ng isang cameraman nang  sampalin umano ito ni Urdaneta City, Pangasinan Mayor Julio “Rammy” F. Parayno III, nitong Lunes, August 12.

Sa report, ayon kay Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) provincial director P/Col. Jeff E. Fanged, kinilala ang biktima na si Jairuz Bien F. Sibayan, 28, single, Provincial Information and Media Relation Office Staff, ng Villasis, Pangasinan.



Ayon kay Fanged, base na rin sa report ng Urdaneta City Police Station, nangyari ang insidente alas-8:30 ng umaga sa loob ng tanggapan ni Parayno III.

Sa imbestigasyon,  nasa loob ng opisina ng alkalde si Sibayan para kunan ng mga larawan ang pag-implementa ng preventive suspension order ni Parayno III sa pamumuno ni Atty. Ronn Dale Beltran Castillo, Executive Assistant of the Provincial Governor kung saan kasama si Sibayan.



Ayon sa opisyal, habang nasa proseso, dito umano nagalit si Parayno III at bigla umanong sinampal sa kanang mukha si Sibayan na muntik matumba.

Sa kanyang pahayag, pinayagan naman umano siya ng mayor na kunan ng litrato at video ang naturang proseso ngunit nang matanggap ang suspension order bigla umano siyang sinampal.



Sinubukang kunin ang panig ng kampo ng alkalde ngunit hindi ito makontak.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang awtoridad hinggil sa naturang insidente.