Advertisers
Arestado sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Pdea at PNP ang apat katao sa isang drug den sa Purok 1 Brgy, Matain sa bayan ng Subic, Zambales nitong Sabado, Agosto 17, 2024.
Sa report na tinanggap ng PNP Regional Office 3 sa Camp Olivas Pampanga kinilala ang mga nadakip na sina Jayson Minguito y Gaylan, 36, tmaintainer ng drug den; Rwggie Español Y Miranda, 29, ng Brgy. Calapacu Subic,; Alvin Eclevia y Chang, 51, ng Brgy. Barretto; Adrian Viray y Andong, 29-anyos ng Brgy. Sta. Rita, Olongapo City.
Nakumpiska sa kanila ang 9 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P61,200.00 kabilang ang mga assorted sniffing paraphernalias at buy money.
Ayon sa PDEA, una na silang nakatanggap ng impormasyon mula sa mga concern citizen kaugnay sa talamak na bentahan ng illegal na droga sa lugar,
Samantala kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek.(Thony D. Arcenal)