Advertisers

Advertisers

BABAENG ‘SENIOR CITIZEN’, HINULI NANG MAGBIRO NG ‘BOMB JOKE’ SA AIRPORT

0 9

Advertisers

ISANG babaeng pasahero ang na-offload matapos magpahayag tungkol sa posibleng pagsabog sa kanyang bagahe habang nasa check-in counter ng San Jose Airport, patungong Maynila noong Lunes, August 19,2024

Natanggap ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang inisyal na ulat mula sa PNP-Aviation Security Group, na bandang 7:15 AM, isang paalis na senior citizen ang pinakiusapan ng Transportation Security personnel na ilagay ang kanyang bagahe sa x-ray scannning machine.

Ayon sa report ng pulisya, ang ‘senior’ na pasahero na alyas Lani, 61 anyos ay nagsalita ng “Ate baka may sumabog diyan”, na ikinagulat ng isang duty officer kaya’t tumawag siya ng mga security officer.



Upang matiyak na walang pampasabog na materyal sa kanyang bag tulad ng nabanggit, mahigpit na mga hakbang ang ipinatupad ng mga awtoridad sa seguridad ng paliparan.

Dinala nila ang pasahero sa San Jose Airport Police Station para sa imbestigasyon kung saan kalaunan ay nilinaw ng pasahero na ang kanyang komento ay hindi sinadya upang magdulot ng alarma.



Ibinigay na sa Philippine National Police (PNP) ang imbestigasyon sa insidente para sa karagdagang imbestigasyon at posibleng masampahan ng paglabag sa ilalim ng Presidential Decree 1727 o Anti-Bomb Joke Law. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">