Advertisers
MARIING kinondena ni Vice President Sara Duterte ang umano’y “gross abuse of police power” sa ginawang operasyon ng pulisya para hanapin at arestuhin ang wanted na Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader na si Pastor Apollo Quiboloy sa KOJC compound sa Davao City.
Sa isang pahayag, sinabi ni VP Sara na bagama’t hindi niya tinututulan ang implementasyon ng warrant ay hindi naman katanggap-tanggap ang umano’y karahasan sa mga sibiliyan at mga miyembro ng religious group.
Mula kahapon ng madaling araw, hindi bababa sa 2,000 na pulis ang pumasok at pumaligid sa KOJC compound upang isilbi ang warrant sa wanted na pastor at mga kapwa akusado nito.
Mula kahapon ng madaling araw, hindi bababa sa 2,000 na pulis ang pumasok at pumaligid sa KOJC compound upang isilbi ang warrant sa wanted na pastor at mga kapwa akusado nito.
Pinuna rin ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakabagong pagtatangka ng mga pulis na arestuhin ang founder ng Kingdom of Jesus Christ na si Apollo Quiboloy.
Nagtipon ang mga tauhan ng Philippine National Police sa KOJC compound sa Davao City para isilbi ang warrant of arrest kay Quiboloy, na nahaharap sa kasong human trafficking at sexual abuse.
Isang miyembro ng KOJC ang namatay sa operasyon ng pulisya dahil sa atake sa puso.
Sa pahayag ni Duterte, nakakapanlumo aniya ang kalagayan ng Pilipinas ngayon na hindi nalagay noon ang bansa.
Nakiramay din si Duterte sa mga miyembro ng KOJC na naging biktima ng political harassment, persecution, violence, at pang-aabuso sa kapangyarihan.
Nananawagan din ang dating pangulo sa mga natitirang disente at makabayang miyembro ng gobyerno na huwag hayaang gamitin at maging abusado sa pagpapatupad ng mga iligal na kautusan.
Hiniling din nito sa lahat ng Pilipino na mag-alay ng panalangin para sa kapayapaan at katarungan at iligtas ang ang mga tao mula sa hindi makatwirang tensyon na dulot ng paghahari ng takot.
Samantala mariin ring kinondena ni Senador Chirstopher “Bong” Go ang labis na pagpapakita ng puwersa ng Philippine National Police (PNP) sa paghalughog nito sa Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao City.
Nagtipon ang mga tauhan ng Philippine National Police sa KOJC compound sa Davao City para isilbi ang warrant of arrest kay Quiboloy, na nahaharap sa kasong human trafficking at sexual abuse.
Isang miyembro ng KOJC ang namatay sa operasyon ng pulisya dahil sa atake sa puso.
Giit ni Go, huwag aniyang overkill na may masasaktang ordinaryong mamamayang Pilipino lalo na’t sa loob ng lugar ng sambahan.
Suportado ng senador ang mga uniformed personnel ngunit gawin lamang aniya ang kanilang trabaho nang tama.
Nakiramay naman si Go sa pamilya ng mga namatay at nasaktan kaninang umaga. Alam niya aniya ang tungkulin ng mga pulis na ipatupad ang batas ngunit importante ang buhay ng bawat Pilipino.
***
Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com