Advertisers
INIREKOMENDA ng pulisya ang 16-anyos na babae na sumailalim sa psychiatric exam nang saksakin ang sariling magulang na mahigpit na tumututol sa pa-kikipagrelasyon nito sa isang 23-anyos na lalaki.
Sa ulat, nangyari ang insidente sa Purok 5 Bliss, Barangay Buru-un, Iligan City, Biyernes ng gabi.
Ayon kay Police Major Zandrex Panolong, spokesperson ng Iligan City Police Office, pinatay ng anak ang ilaw sa kwarto ng kanyang mga magulang saka unang sinaksak ang kanyang ama at isinunod ang ina.
Sa nangyaring komosyon, nasugatan din sa kamay ang dalagita.
Agad na dinala sa ospital ang mga biktima kung saan masusing minomonitor ang mga ito.
Sa inisyal na imbestiga-syon, plano na ng dalagita na patayin ang kanyang mga magulang kahit na mismong boyfriend na nito ang pumipigil na gawin ang krimen.
Dagdag pa ni Panolong, si-nabi ng dalagita sa mga im-bestigador na “a voice seemed to whisper to her to pursue her plans.”