Advertisers
NILINAW ng Philippine National Police (PNP) na hindi overkill ang paglusob ng nasa 2,000 pulis sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) upang isilbi ang warrant of arrest sa kasong child abuse laban kay Pastor Apollo Quiboloy at apat na iba pa.
Ayon kay PNP Public Information Office chief Colonel Jean Fajardo, sa lawak ng KOJC compound sa Barangay Bauhangin, Davao City, na mayroong mahigit kumulang 30 hektarya dagdag pa ang mga humaharang na mga miyembro ng KOJC ay lubhang napakahirap ang paghahanap kay Quiboloy.
Napakadali umanong ipag-tulakan kung magpapadala lamang ng 50 o 100 pulis, dagdag pa nito na yung 2,000 pulis na pumasok sa loob ng compound nung Sabado ay nahihirapan din.
“So you can just imagine kung magde-deploy tayo ng 50, 100 ay napakadali tayong mapagtulakan diyan.
Ngayon nga na may puwersa tayo bitbit diyan ay talagang sinusuwag tayo at lahat ng klase ng pang-iinsulto at pagmumura ay nare-receive natin pero we remain committed para ituloy itong paghahanap kay Quiboloy at 4 pa”, paliwanag ni Fajardo.
Dagdag pa ni Fajardo, hindi pipilitin ng pulisya ang paghahanap sa loob ng nasa-bing compound kung wala doon ang hinahanap na si Quiboloy at 4 na kasama nitong akusadao.
Kaya muling nakikiusap ang PNP kay Quiboloy gayunin sa mga abogado nito na kusang sumuko nalang ang pastor at harapin ang kasong isinampa laban sa kanya upang maipagtanggol din niya ang kanyang sarili sa korte.