Advertisers
Ni Archie Liao
SA isang portal ng mga tsismosang kapitbahay, pinag-uusapan ang pasabog ni Jericho Rosales na dini-date niya si Janine Gutierrez.
Kinumpirma rin niya na ang madalas nilang paglabas-labas ay bahagi ng “getting to know each other” stage nila.
Nang makapanayam naman si Janine sa isyu, hindi naman niya idinenay na nagdi-date sila ni Echo.
Inamin din niyang noon pa man ay pantasya na niyang makatrabaho ang aktor.
Nag-react naman ang ilang nagmamaldita sa isyu ng “dating” ng dalawa.
Hirit ng mga pa-savage, inagawan daw ng eksena ni Janine si Jodi Sta. Maria na siyang bida sa kanilang seryeng “Lavender Fields.”
Ito ang ilang hirit ng kibitzers.
“Ay kaloka, naupstage ni Janine si Jodi!”
“Oo nga. Di ba nasapawan si Jodi?”
“Kontrabida si girl pero siya ang ngayon ang bidang-bida.”
“For real ba ito o gimik lang?”
“Galawang promo.”
“Kinabog ni Claudia Buenavista si Amor Powers!”
“Bakit mas maingay ang kontrabida?”
“Hiwalay ang presscons nila para walang sapawan.”
“Kahit noong grand presscon, sinapawan si Jodi dahil nasentro ang usapan sa lovelife ni Janine.”
***
Sey mo Darren…
Michael intense ang lab kay Cassy
INAMIN ni Michael Sager na espesyal ang kanilang relasyon ni Cassy Legaspi.
Nang maurirat naman ni Boy Abunda kung gaano na ka-intense ang feelings niya sa aktres, sey niya umaapaw daw o all the way na 10 ito from a scale of one to ten.
Blessing din daw niyang maituturing ang magandang relasyon niya sa mga magulang ni Cassy na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.
Sobra rin daw niyang naa-appreciate ang care at concern sa kanya ng mag-asawa na itinuturing na rin siyang parang tunay na anak.
Sa Fast Talk naman, inamin ni Michael na guilty siya na nanligaw siya at nagselos sa co-star.
Aminado rin siyang na-friendzone na siya at nagpa-fall sa girl.
Never daw naman siyang nagsuplado sa fans.
Aniya, iyong time raw na nabasted siya at nagpa-fall ay bahagi ng kanyang pag-eexplore while growing up.
Sa nasabing tsikahan, sinabi rin niyang sobra ang paghanga niya kay Alden Richards sa pag-aalaga nito sa kanyang leading lady nang makatrabaho niya ito.
Kaya naman, ang magandang ehemplo raw ng aktor ang kanyang gustong tularan.