Advertisers
INIHAYAG ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na walang kanselasyon, naantala na mga flights at nasa normal na sitwasyon ang Davao International Airport (Francisco Bangoy International Airport) napag-alaman sa ulat ngayong araw, Agosto 26, 2024.
Sinabi ni CAAP Area Manager III Engr. Rex Obcena na nananatiling bukas ang Davao International Airport (DIA) sa kabila ng insidente ng patuloy na kilos protesta sa labas ng gate ng KIngdom of Jesus Christ (KOJC) na isinara para sa kaligtasan at seguridad.
“Ang entrance gate ng Davao International Airport (DIA) ay two-way na ngayon para ma-accommodate ang mga papasok at papalabas na sasakyan na may mahigpit na seguridad at mayroon kaming normal na operasyon sa paliparan,” sabi ng CAAP.
Nilinaw ng Davao Region Police Office na hindi naka-lockdown ang Davao City. Ang national highway sa kahabaan ng KOJC compound ay hindi madaanan matapos na okupahin ng mga tagasuporta ni Pastor Quiboloy ang kalsada upang iprotesta ang napipintong pag-aresto.
Ayon sa inisyal na ulat, ang mga pulis at mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ay ikinulong sa isang standoff sa Davao City noong Linggo ng gabi, Agosto 25, isang araw matapos subukan ng mga mambabatas na isilbi ang warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy.
Nagsagawa ng protesta ang ilang miyembro ng KOJC sa harap ng kanilang compound sa Buhangin District na hiniling ng mga pulis sa kanila na maghiwa-hiwalay mula sa Philippine-Japan Friendship highway na siyang pangunahing link sa DIA para isilbi ang warrant. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)