Advertisers

Advertisers

Vax ng baboy kontra ASF umarangkada sa Lobo, Batangas

0 23

Advertisers

Inumpisahan na ng mga tauhan ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Animal Industry (BAI) ang pagtuturok ng mga bakuna sa mga baboy laban sa sakit na African Swine Fever (ASF) sa bayan ng Lobo, Batangas nitong Biyernes ng umaga, Agosto 30, 2024.

Pinangunahan ng mga tauhan ng FDA, DA, BAI at Agap Partylist Rep. Nicanor ‘Nikki’ Briones ang pagtuturok ng bakuna sa mga baboy kontra ASF na galing pa mula Vietnam.

Mayroon 26 barangay ang susuyurin upang maturukan ng nasabing vaccine.

Naunang tinurokan ang apatnapung mga palakihing baboy o mga fattener growers pig na apat na linggo ang mga edad at pawang nagnegatibo sa ASF sa dalawang farm ng  Barangay Malapad ng Parang,  ng nasabing bayan bilang pangontra sa nakamamatay sa baboy na ASF virus. 

Makalipas umano ang labing apat na araw, kukuhanan ng blood samples ang mga naturokang baboy at isasailalim sa monitoring  upang malaman kung naging epektibo ang programang ASF vaccine ng gobyerno.

Ayon sa Department of Agriculture na inaasahan nilang makakagawa ng anti bodies laban sa ASF virus  ang mga nabakunahang baboy  nasa kabuoang 10,000 doses naman ang inilaan sa Probinsya ng Batangas at inaasahang may darating pa sa susunod na linggo na karagdagang 150,000 doses ng bakuna na bahagi ng 600,000 doses ng Vaccination Program ng naturang ahensya.

Sinabi naman ni Assistant Secretary Arnel De Mesa, na mahalagang mapabakunahan ang lahat ng baboy upang makabawi ang matumal na local hog industry at ng bumaba ang presyo ng karneng baboy alinsunod sa programa ni Pangulong Bong Bong Marcos Jr. tungkol sa Food Security ng bansa.

Muling hiniling ni Agap Rep. na dagdagan ang pondo para sa malawakang pagbabakuna ng baboy kontra ASF at indemication fund para matapos na ang suliranin ng mga magbababoy at bumalik na ang sigla ng pork industry.(KOI LAURA)