Advertisers

Advertisers

MPOX Hotline inilabas ng Caloocan LGU

0 7

Advertisers

Bilang bahagi pa rin ng pinaigting na hakbang kontra mpox naglabas na ng isang MPOX Hotline ang pamahalaang lungsod ng Caloocan.

Sa abiso ng LGU, maaaring tumawag ang mga residente sa MPOX Hotline sa numerong 09297095709 na pinangangasiwaan ng City at Hospital Epidemiology Surveillance Units (CESU at HESU)

Bukod pa ito sa inorganisang mpox response team ng LGU na binubuo ng infectious disease at pathology experts.



Kaugnay nito, naglabas rin ng gabay ang LGU tungkol sa sintomas, paano maiiwasan, at iba pang mahalagang impormasyon ukol sa sakit na mpox o monkeypox.

Una na rin nanawagan si Caloocan Mayor Along Malapitan sa mga residente na agad na komunsulta sa mga eksperto kung makaramdam ng sintomas ng mpox.



Pinaalalahanan din ni Mayor Along ang mga residente na palaging maghugas ng kamay, iwasan ang direktang pakikipag-ugnayan sa may mga sintomas o pantal dulot ng nasabing sakit, gumamit ng mask at gloves, lalo na kung mag-aalaga ng may sakit at panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran upang maiwasan ang pagkahawa ng sakit na mpox.

Bagama’t walang aktibong kaso sa Caloocan, mahigpit na binabantayan ng pamahalaang lungsod at nagpatupad ng quarantine procedures para sa tatlong residente na determinadong maging malapit na kontak ng isang index case.(BR)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">