Advertisers
I am text block. Click edit bu
Kulong ang apat na tulak ng iligal na droga nang makuhanan ng mahigit P200,000.00 shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.
Sa ulat ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay alyas “Lupa”, 48; at alyas “Arman”, 24, kapwa residente ng Navotas.
Naaresto ang mga suspek, 11:37 ng gabi sa S. Antonio St, Brgy. Tangos South.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 19.27 grams ng shabu na may standard drug price value na P131,036.00 at buy bust money.
Samantala, 2:33 ng madaling araw nang masakote naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez sa Badeo 4 St., Brgy. San Roque, sina alyas “Daniel”, 44, at alyas “Loy”, 42, kapwa ng Brgy. Tangos North.
Nasamsam sa mga suspek ang nasa 15.04 grams shabu na may halagang P102,272.00 at buy bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)
ton to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.