Advertisers

Advertisers

Kim frustrated rampadora

0 7

Advertisers

Ni Beth Gelena

MAY post ang leading man ng Lavender Fields na si Jericho Rosales sa kanyang Instagram account kung saan nag-eemote sa pagsasayaw ang aktor.

Ani Echo: “how it feels to be back on your screens… Para sa inyong mga sumusuporta… Heto ang… Pinaghirapan, pinagpuyatan hindi pinag-isipan” at saka biglang nag-choreograph ng sarili niyang sayaw si Echo.



Nagkomento si Janine Gutierrez: “Tyrone (karakter ni Echo sa Lavender Fields), kung ganito lang sana ang inaatupag mo at hindi si Jasmine (Jodi Sta. Maria) edi wala sanang problema”

“Ayan ka! Tyrone nagjelly tuloy si wifey Iris (Janine)”

May komento din si Echo “@janinegutierrez say bye bye bye to Tyrone. Rudy the dancer is the one you deserve”

Kasalukuyang nasa Venice si Janine, kaya sagot ng isang commenter, “niniii uwi ka na ang kalat na niya po sa mga IG na andun ka”

@janinegutierrez hahaha yung kilig ko abot hanggang Venice”



“Grabe yung nagagawa ng pag-ibig kay @jerichorosalesofficial iba ang in love”

Maging ang anak ni Echo na si Santino ay nagkomento, “congrats dad!”

“@santino_rosales for embracing my inner boy band?” tanong ng ama.

“For all the success that’s coming,” sagot ni Santino.

“What am I watching,” tanong ng isang netizen.

Sadyang makulit ang aktor, aniya, “the new guy (with tongue out emoji)”

Hanga naman ang commenter sa dance moves ng Asian Dramatic actor, Fantastic Echo. You’re killin’ it. Your body language or your moves as you may call it exudes happiness. Keep smilin’.”

Aliw na sumagot ang actor sa compliment na natanggap, “I did that? Thanks”

“May hinanda talaga sa netflix pilot, SAVAGE! Go Arthur ay tyrone pala,” kulit pa nitong sabi.

Si Ara Davao na dating nalink sa kanya ay nagkomento rin: “nagulat ako”

“@aradavao me too,” ani Echo.

“Nailed it! So versatile in everything”

Talaga nga palang makulit si Echo, “I have a degree in kalokohan”

“Dancerist ang Mr pogi ng pinas”

“Nailed it — dancerist,” pakli ng aktor.

***

CHARO HINDI SINASADYANG MA-ENCOUNTER SINA BARBIE AT DAVID
HINDI sinasadyang nagkita sina Charo Santos at ang hot loveteam ng GMA 7 na sina Barbie Forteza at David Licauco.

Shinare ni Ms. Santos ang larawan nilang tatlo sa kanyang Instagram stories.

Sina Barbie at David ang main casts ng Pulang Araw na napapanood sa Kapuso Network with Alden Richards, ang rival show ng Batang Quiapo kung saan kasama si Charo bilang si Tindeng.

Despite sa rivalry ng kanilang TV series, nakangiti ang tatlo sa iisang frame ng kuhang larawan.

Nilagyan ng ABS-CBN Corp.’s Board of Director ang posted photo nila sa kanyang social media.

“A chance encounter,” ani Ms. Charo.

Sa Instagram naman ni Barbie ay may caption siyang, “Super nice to see you po ma’am. Have a safe trip po.”

Sa comment section ng IG account ni Ms. Charo ay nagkomento si @kristinaconcepcion, “miss you tita Charo!”

Sagot ng ABS-CBN executive: “miss you too! Let’s catch up when you are in town. Hope all is well.”

***

SA bagong uploaded photos/videos parang modelo na rumarampa sa hallway ng ABS-CBN si Kim Chiu.

Kasabay ng pag-indayog ng katawan ni @chinitaprincess ang mahaba niyang hair na tila sumasayaw kasabay ng music background niya sa video.

Caption ni Kimmy: “another day of my #hallwayismyrunway #ootdksyc”

Napansin tuloy ng commenter ang kanyang long hair.

“Sana gawin ka ring commercial model ng shampoo kasi haba ng hair mo at ang ganda”

“Ang healthy nga tingnan ng hair niya bagay sa commercial”

“Always slaying the runway este hallways”

“Well-lit hallways. She IS the queen of hallways”

Napagkamalan tuloy siya na isa sa member ng BlackPink.

“Is this Jenny of BlackPink?! So gorgeous Kimmy!!”

Ayon pa sa followers ng aktres, hilig daw talaga ni Kimmy rumampa kaya ang tawag nga raw sa kanya ng pamilya niya ay “rampadora queen, frustrated nga lang hahaha”