Advertisers

Advertisers

Super problema

0 66

Advertisers

Yung torneo sa basketball na tinatawag na Super League may higanteng problema.

Suspendido ang operations ngayon dahil dalawang buwan na hindi sumusuweldo mga empleyado. Walang sahod silang natatanggap mula Commissioner hanggang sa ordinaryong trabahador.

Yung carrying station nais na silang idemanda sa laki ng utang.



Ito yung liga na slogan pa naman ay “ Dito, Pinoy ang Bida” pero bakit iniwan sila sa ere ng kanilang financier na isang kongresista.

May pormal ng sulat na inihain sa naturang pulitiko nguni’t walang sagot man lang.



Hiling ng mga tao ay kausapin naman sila nang maayos at magkapaluwanagan.

Mahirap nga naman kanilang kalagayan.



Ayon kay Pepeng Kirat ay malamang lugi ang liga at ayaw ng maglabas pa ng karagdagang pondo ng principal.

***

Eka naman ni Ka Berong ay talaga naman hindi kaya ng merkado suportahan ang maraming sabay-sabay na mga palaro.

Tumiklop nga noon ang PBL at MBA sa tindi ng kumpetensya. Ang MPBL ay naghihingalo rin at malamang wala na rin kung hindi dahil sa sariling pera ni Manny Pacquiao.

Kasi limitado na mga sponsor at mahal ang halaga ng television coverage. Madalas libre ang bayad ng mga manonood sa mga venue kaya walang kita ang organizer sa box office.

Hindi rin mainam na mga pulitiko ang may hawak ng mga koponan. Kapag natalo o natapos na ang termino ay ubos na ang kwarta na pangtustos sa mga team.

Sa PBA may tinaguriang farm team ang mga mayayaman na prangkisa na subsidize nila. Kuhanan nila kasi ng mga player na hinog na o mga numero unong draft pick na imposible nila mabingwit sa umpisa.

***

Paano raw masisikmura ng isang basketbolista ang mas mababang paycheck sa PBA kung nanggaling na siya sa Japan B- League o sa Korea pa?

May nakatakda kasing minimum salary para sa mga rookie kahit pa milyones na kita mo sa ibayong dagat.

Yan dilemma ng mga gaya nina Kai Sotto at Dwight Ramos na mataas na kita sa Land of the Rising Sun. Mapapanood pa ba natin sila sa lokal na pro league?

Ganyan suliranin ni Dave Ikdefonso ngayon.

Mababa alok ng Nortport na siyang nag-draft sa kanya. Layo sa naging kita niya overseas

Ayaw pumirma sa allowed contract at marahil naghahantay ng under the table deal.