Advertisers

Advertisers

GEN. MARBIL GAMIT NINA TISOY, NONIT AT MR. ROMANTIKO SA MGA ILIGAL NA ‘NEGOSYO’ SA BATANGAS!

0 1,505

Advertisers

Ni CRIS A. IBON

NAGBABALA ang concerned civic group kay Philippine National Police (PNP) Chief, General Rommel Francisco Marbil, na kailangan niyang kumilos upang malinis ang kanyang pangalan at iba pang matataas na opisyal ng pulisya sa panggagamit ng tatlong vice operators, na nasa likod din ng laganap na paihi/buriki operation bukod sa pagpapatakbo ng Small town lottery (STL) bookies at saklaan den na pugad din ng bentahan ng iligal na droga sa bayan ng Padre Garcia at mga kanugnog na mga bayan at siyudad sa Batangas.

Bago tuluyang masira at mawalan ng kredibilidad ay sinabi ng bumubuo ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) na dapat nang kumilos at paimbestigahan ni Marbil ang walang takot na pangangaladkad nina alyas Tisoy, Nonit at Mr. Mike Romantiko sa kanyang pangalan at binabanggit na kakampi nila ang Chief PNP at ilang matataas na opisyal ng PNP Region 4A.



Ayon sa naturang anti-crime and vice crusader, tila may katotohanan ang panggagamit ng tatlong naturang ilegalista sa pangalan nina Marbil dahil andap at hindi ipinahuhuli ni Batangas PNP Provincial Director, Colonel Jacinto “Jack” Malinao Jr.; at Criminal Investigation and Detection Group Regional Field 4A Unit Chief, Col. Reynante S. Panay, ang mga iligal na “negosyo” ng nasabing tatlong iligalista.

Sina alyas Tisoy at Nonit ay dating mga kristo ng sabungan na sa kalaunan ay natutong magpasugal dahil sa mga nakilalang maimpluwensyang sabungero at pulitiko na may mga hanapbuhay ding iligal tulad ng pagpapatakbo sa CALABARZON ng STL bookies o jueteng, sakla at pagpapanakaw ng petroleum products at pagpapasingaw ng Liquified Petroleum Gas (LPG) na kilala rin sa tawag na paihi/ buriki, at ang matindi pa ay pagsu-supply ng droga partikular shabu sa kanila mismong pinatatakbong gambling dens.



Mula sa pagmamantine ng mga sakla joint, isa rito ay ang hinding-hindi maipatigil ng pulisya ng Padre Garcia sa bahay ng isang “Ka Monina” sa Brgy. Sambat, ay pinasok narin ng dalawa ang pagmamantine ng STL bookies na kinakapitalan ng talunang pulitiko na kilala bilang alyas “Mr. Mike Romantiko”, hanggang sa hinaluan nila ng illegal drugs gamit ang kanilang mga kabo at kubrador bilang shabu pushers.

Pinakamalakas na front ng bentahan ng shabu nina alyas Tisoy at Nonit ang kanilang rebisahan ng taya sa STL bookies sa bahay ng isang alyas “Nilo” sa Brgy. Banaba ‘di naman kalayuan sa Brgy. San Miguel na kinaroroonan ng tanggapan ni Padre Garcia Police chief Major Edmon Dayagan.



Umaabot sa mahigit sa P2 milyon ang taya sa STL bookies sa tatlong bola araw-araw, pinakamalakas na kubransa ay nagmumula sa mga barangay Poblacion, Cawongan, Pansol, Banaba, San Miguel, Quilo-quilo North, Quilo-quilo South, Banay-Banay at mga laylayang lugar ng Lipa City at mga bayan ng Rosario at San Juan.

Iniuugnay din ng MKKB sina alyas Tisoy, Nonit at Mr. Mike Romantiko sa natatagong operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) na may dalawang taon nang palihim na nag-ooperate sa Batangas.

Ang kinikita sa gambling, paihi, droga at illegal POGO ang sinasabing ginagamit na campaign fund sa pagtakbo sa pagka-gobernador sa Batangas ng tubong Nueva Ecija na si alyas Mr. Mike Romantiko.

Liban sa dalawang saklaan sa Padre Garcia, may 10 saklaan din sa Tanauan City ang pinatatakbo nina alyas Ocampo at Badoy, 5 sa Sto. Tomas City nina Magsino at Marasigan, 10 sa Nasugbu na ino-operate ni alyas Willy Bokbok na operator din ng STL bookies sa 42 barangays sa naturang munisipalidad.

May mini-casino naman o permanente o pwesto pijo na pasugalan kasama na ang bilyaran at madjongan na umaabot sa milyones ang pustahan at iba’t iba pang uri ng sugalan sa tabi ng Lian Public Market ang grupo ng isang Lagus, puesto pijo ng color games at drop ball sa Brgy. Santiago na may bentahan din ng shabu at putahan sa bayan ng Malvar ng mag-asawang Glenda at Utoy, pergalan (peryahan na pulos sugalan) na may shabuhan sa Brgy. Darasa, Tanauan City at Brgy. San Lucas, Lipa City nina alyas Onad, Rommel at Baby na pawang ‘di napapaaksyunan ni PD Col. Malinao Jr., pagbubulgar ng MKKB.