Advertisers

Advertisers

Sa pagkuwestyon sa paggastos ng confi fund ng OVP at DepEd…‘TARGET NILA AKO I-IMPEACH’

0 12

Advertisers

NANINIWALA si Vice President Sara Duterte na target ng House of Representatives (HOR) na siya ay i-impeach, batay narin sa naging privilege speech ni Manila Representative Rolando Valeriano, dahil may nakitang kamalian.

Sa panayam kay VP Sara, sinabi niyang ang ginagawa ngayong pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ay isang hakbang na para sa kaniyang impeachment.

Aniya, mismo si ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang nagsabi na posible ma-impeach si VP Sara dahil sa mga kwestiyunableng paggastos ng Office of the Vice President at Department of Education.



Naging mainit kasi ang usapin hinggil sa ginastos na confidential funds ni VP Sara.

Humarap nitong Miyerkules sa Komite si VP Sara para magsalita at ipahayag ang kaniyang saloobin.



Tahasan niyang sinabi sa komite na hindi target ng pagdinig ang misuse of funds, accountability o governance.

Naniniwala si VP Sara na ito ay para sirain siya, ang kaniyang imahe, ang OVP, at upang mapigilan ang anumang political contest sa hinaharap.



Dahil sa kawalan ng sapat na basehan, pinatitigil ni VP Sara ang pagdinig.

Gayunpaman, ayon kay Rep. Chua, ang chairman ng Komite, hindi nila mapatigil ang pagdinig dahil kanila nang inaksiyunan ang talumpati ni Rep. Valeriano.