Advertisers
DIRETSAHANG inihayag ni Vice President Sara Duterte na “never again” na siyang makipag-tandem kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sinabi ito ng pangalawang pangulo nang matanong kung may tiyansa pa na magka-tandem sila ni Marcos.
Hindi pinaliwanag ni Duterte kung bakit nasabi niya na “never again” makasama uli si Pangulong Marcos.
Sina Marcos at Duterte ay tandem noong 2022 Presidential elections sa ilalim ng UnityTeam.
Sa unang dalawang taon naging maganda ang relasyon ng dalawa, subalit pagpasok ng ikatlong taon ay unti-unti nang nagkakalamat hanggang sa noong Hunyo ay nagbitiw sa pwesto bilang DepEd Secretary si Duterte.
Inihayag ng Pangalawang Pangulo na hindi sila magkaibigan ng Pangulong Marcos. Nagkakilala lamang sila noong kasagsagan ng kampanya, kaya hindi niya ito kilala.
Aniya, ang kaniyang kaibigan ay si Senator Imee Marcos, ang ate ng pangulo.
Sinabi pa ni Duterte na huli silang nagkausap ni Pangulong Marcos noong magtungo siya sa Malakanyang at ibigay ang kaniyang resignation bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).