Advertisers

Advertisers

Bading kinatay sa loob ng bahay

0 42

Advertisers

Nasawi ang isang miyembro ng LGBTQ nang barilin ng hindi nakilalang salarin sa loob mismo ng inuupahang bahay sa Sitio Ihawan, Barangay Poblacion sa Sibonga, Cebu noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Roderick Hong, 41-anyos.

Ayon sa report ng Sibongo police, nasa kaniyang bahay ang biktima nang kumatok sa pinto ang salarin.

At pagbukas ng biktima, binaril ito ng dalawang beses at mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklo na ipinarada nito hindi kalayuan sa bahay.

Nakuhanan pa ng CCTV ang pag-alis nito sa lugar subali’t hindi pa ito matukoy dahil nakasuot ito ng helmet.

Isinugod sa Carcar District Hospital ang biktima pero binawian din ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Patuloy pa ang hot pursuit operation ng mga awtoridad para sa ikadarakip ng salarin.

Personal na alitan ang isa sa mga tinitingnang motibo ng pulisya sa krimen nang makita sa kaniyang social media account na mayroon itong ilang nakakaaway na indibidwal.