Advertisers

Advertisers

MGen. Torre, NBI Dir. Santiago gasgas sa mga iligalista; “Blue book” nina Kap Mike at Sgt. Adlawan, ipinasisilip!

0 1,507

Advertisers

Ni CRIS A. IBON

KINONDENA ng grupo ng Anti-crime and Vice-crusader ng Region-4A ang mga aktibidad ng isang “Kap Mike” at dismissed PNP “Duterte Die Hard Supporter” (DDS) na si alyas Sgt. Adlawan na naglalagay sa balag ng alanganin at sumisira sa imahe nina dating Manila Finest Sharp shooter ngayo’y National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago at katatalagang Criminal Investigation and Detection Group Director MGen. Nicolas Torre III, ang nag-operate para matimbog ang puganteng si Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon sa samahan ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB), hindi pa man nag-iinit ang puwet sa kanilang mga puwesto sina Dir. Santiago at BGen. Torre III, may dalawang indibidwal, mga “tong kolektor” sa katauhan nina Kap Mike at ex-Sgt. Adlawan, ang sumisira sa kanilang pangalan.



Lumilitaw na sina NBI Dir. Santiago at CIDG Dir. Torre III ay kapwa mga “unwilling victim” nina alyas Kap Mike at ex Sgt. Adlawan, pagkat walang kamuwang-muwang ang mga ito na ang kanilang mga pangalan ay nagagamit sa mga iligal ng dalawa. Kapwa nagpapanggap na big time na kontratista ng government projects ang dalawa, ngunit ang kinokontrata ng mga ito ay ang mga “weekly tong collection” ng ilang maanomalyang PNP, NBI at iba pang awtoridad.

Hindi pa nakakarating sa kaalaman NBI Dir. Santiago na gasgas na ang kanyang pangalan pagkat ipinananakot ni alyas Kap Mike sa pangingikil mula sa mga bigtime vice, drug, paihi/buriki lord at iba pang ilegalista sa CALABARZON.



Nagpapakilala din si alyas Kap Mike na “kapustahan” ng iba pang opisyales ng NBI sa rehiyon at NBI district offices.

Ang DDS na si ex Sgt Adlawan naman ang umaaktong “kapustahan” ng PNP sa mga probinsya, CIDG Provincial at Regional Offices, PNP Region 4A hanggang sa tanggapan ng CIDG at Office of the Chief PNP sa Camp Crame.



Ang dalawa ang nagpasimuno rin sa PNP Region 4A at NBI ng pangongontrata sa “kolektong” ng mga ilegal na payola ng mga government law enforcement top brass na dapat ay lingguhan o kinsenas ng mga itong tatanggapin mula sa mga ilegalista.

“Kapustahan” ang tawag sa kanila, na ibig sabihin ay silang dalawa ang lider ng mga tong kolektor sa rehiyon at nag- iingat ng “blue book” o listahan ng mga nagpapasuhol na ilang PNP, NBI at iba pang awtoridad.

Milyones ang usapang weekly payola sa pagitan nina Kap Mike, ex Sgt. Adlawan at mga “kapustahan” ng dalawa na mga government law enforcement top official.

Sa halip na gumamit ng mga tong kolektor na lingguhan o 15-30 na magre-remit sa kanila ng nakokolektang protection money, payola, lagay, suhol o tongpats mula sa mga operator ng STL bookies, sakla, pergalan (peryahan na pulos sugalan) at maging sa kung tawagin ay sugal-lupa, paihi o buriki, illegal logging at maging illegal drug operation ay sina alyas Kap Mike at ex-Sgt. Adlawan na ang nagpapakolekta ng “timbre” at silang dalawa ang bumabalikat, nagpapaluwal o nag-aabono ng napagkasunduang halagang protection money na dapat ay ibibigay ng mga ilegalista sa ilang nagpapasuhol na PNP, NBI at iba pang law enforcement officers.

Hindi lamang sila ang namamahala sa tong collection mula sa mga ilegalista kundi sila na ding dalawa ang may pribilehiyong pumili ng mga vice, paihi at drug maintainer na papayagang mag-operate sa kanilang pinamamahalaang rehiyon. Ang mga ilegalistang “di ayos” na kausap ay ipinahuhuli ng mga ito sa mga operating team ng PNP, NBI, CIDG at iba pang law enforcing unit.

Dahil sa malaking lingguhang intelhencia na kinokolekta nina Kap Mike at ex Sgt. Adlawan, naging untouchable at ‘di matibag ng PNP at NBI ang operasyon nina Batangas City “Buriki King Rico” na nagpapaihi, nagnanakaw ng petroleum product at nagpapasingaw pa ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa Brgy. Banaba South, Batangas City.

May isa pang kuta ng paihian/burikian si alyas Rico sa Brgy. Bulihan sa bayan ni Malvar Mayor Crestita Reyes.

Nag-ooperate din ang DDS PNP colonel at ang hitman bodyguard nitong pekeng Sgt. Buloy ng paihian/burikian sa may main gate ng Batangas City Pier, Brgy. Sta. Clara, Batangas City ngunit ‘di ito inaaksyunan nina Batangas PNP Provincial Director, Colonel Jacinto “Jack” Malinao, at Batangas City Police Chief Jepthe Banderado.

Balewala rin ang direktibang “No Take Policy” ni PNP Region 4A Director BGen. Paul Kenneth Lucas pagkat ‘di matinag ng kanyang mga pulis ang operasyon ng paihian/burikian ni alyas Troy sa Brgy. Salinas, Lucena City at ng magkasosyong Sammy at Alfred sa Brgy. San Luis, Guinyangan, Quezon.

Matagal nang nanawagan ang mga Quezonian na palitan na sa kanyang pwesto si PNP Provincial Director Col. Ledon Monte, ayon sa MKKB.

Hindi rin masupil nina Cavite PNP Provincial Director at Carmona City Police Chief, LtCol. Jefferson Ison, ang operasyon ng paihian/burikian na mayroon pang bentahan ng shabu nina Amang at Violago Group sa Brgy. Bancal, sa siyudad ni Carmona Mayor Dahlia Loyola; mga saklaan nina alyas Hero at fake NBI agent na si alyas Elwyn sa iba’t ibang siyudad at bayan, pati na ang EZ 2 bookies operation nina alyas Jun Toto sa Dasmarinas City at Nitang Kabayo sa buong lalawigan.

Milyones din ang naibubulsa nina alyas Kap Mike at ex Sgt Adlawan mula sa payola ng mga gambling con drug na STL bookies operator din sa Tanauan City, Lipa City at mga bayan ng Lemery, Nasugbu, Calaca, Balayan, San Luis, Padre Garcia, San Juan, Tuy, Malvar, Laurel, Balete, Ibaan, Lobo, Cuenca, Bauan, Mabini, Calatagan, Lian, Alitagtag, Bauan, San Pascual, Tuy at iba pang mga bayan.

May malakihan ding hatag kina alyas Kap Mike at Sgt. Adlawan sa mga permanente o puesto pijo gambling den ng drug pusher ding sina alyas Glenda at Utoy sa Brgy. Santiago, Malvar, perya sugalan na bentahan din ng shabu sa Brgy. Darasa, Tanauan City, Brgy. San Lucas, Lipa City na inooperate ng mga drug dealer din na sina Onad, Josep, Baby at alyas Kap Boyet. Meron ding puesto pijo na ala mini casino at shabuhan sa tabi mismo ng Lian town Public Market ang grupo ng isang alyas Lagus, Triple J at mga kaalyado sa pulitika ni Lian Mayor Joseph Piji.

Di na mabilang sa dami ng mga nag-o-operate na ilegalista sa CALABARZON, ngunit walang kamalay-malay sina Dir. Santiago at MGen. Torre III na kapwa mabantot na ang kanilang mga pangalan pagkat sinasangkalan sa pangingikil nina Kap Mike at ex Sgt. Adlawan, ayon pa sa MKKB.