Advertisers

Advertisers

Mayor namudmod ng pera sa simbahan

0 49

Advertisers

NAMUDMOD ng pera si Taytay, Rizal Mayor Allan Martine De Leon sa labas mismo ng simbahan ng San Lorenzo Ruiz Parish.

Sa isang viral video, makikita na nag-aabot ng pera ang alkalde sa mga lumalabas na tao sa simbahan.

Dahil dito, hindi maiwasan ng mga netizen na ikonekta ang biglang pamimigay ng pera ni De Leon sa pangangampanya nito para sa 2025 elections.



Sa comment section ng post, nagngitngit ang mga netizen.

“Philippines is one of the most corrupt countries in the world with the most corrupt government officials”



“Pera ata yan ng bayan ng taytay”

“bawal ‘yan sa simbahan pa.talaga.”



“Aga ng election money ikaw bayan”

“Ano to wala na talagang delecadeza…pati pa ba nman sa simbahan…bahay dalanginan po yan..”

Sa ngayon wala pang tugon ang alkalde sa naturang viral video.