Advertisers

Advertisers

Sponsor Sa California Ng “Dear Heart” Concert Ng Sha-Gab Joyce Krull, Doctor Couple Via & Kevin May Medical Mission Sa Pinas; “Maari Bang Ibigin Ka” At “Katuparan Ni Jules Graeser Nasa Karaoke Na

0 31

Advertisers

Ni Peter Ledesma

NASA Pinas ngayon ang apat na taon na naming friend na mabait at supportive sa akin na si Ms. Joyce Krull na based sa Kansas, USA.

Kasama ni bestfriend Joyce na dumating ng bansa ang doctor daughter na si Via Rodriguez Panganiban at si Doc Kevin na husband ni Via. Nandirito sila sa Pinas para sa isang charity project na 3 medical mission at ito ay sa Zambales for 200 recipients at sa Home for the Aged sa Batangas at another for the Abandoned Children.



Bukod sa libreng consultation ay mamimigay sina Joyce, Dra. Via and Doc Kevin kasama ng kanilang team ng libreng gamot sa mga less fortunate nating mga kababayan. By the way, bahagi ng selebrasyon ng 50th Anniversary ng MIDWEST DRIVING SCHOOL ang Medical Mission.

“It’s our way of giving back Kapatid na Peter (tawag nito sa amin). Since it’s 50 years of Midwest Driving School, the oldest driving school in Kansas. Actually, matagal na namin itong ginagawa para makatulong naman sa mga kababayan natin na nakatira sa mga liblib na lugar,” say pa ni Joyce na sila ng husband na si Sir Larry Krull ang owner ng said driving school. Excited na rin pala si Joyce na mapanood nila ni Sir Larry ang “DEAR HEART” concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ngayong Oct 27, 2024 sa Saban Theatre sa Beverly Hills, CA kung saan isa sa sponsor ay ang kanilang Midwest Driving School.

“I’m excited to watch this at childhood favorite loveteam ko talaga sina Sharon at Gabby,” chika pa ni Joyce.

Six days lang pala sila sa bansa at fly na sa Korea and Japan for Kassidy’s 3rd birthday. First apo nina Joyce at Sir Larry kina Doc Via at Doc Kevin na parents ni Kassidy na pretty and smart na bata.

***



NASA Europe ngayon ang Pinoy International recording artist na si Jules Graeser kasama si Sir Michel.

Masyadong naging busy si Jules sa hosting ng kaliwa’t kanang events at guesting sa reunion concert ng Rivermaya at Vice Ganda na parehong naging successful. Idagdag pa ang pag-aasikaso ng kanyang Prime Care USA Corp Medical & Dental Supply at pagiging professional dentist. Kaya’t para maka-relax at unwind at regalo na rin sa sarili ay nag-European Tour sina Jules and Michael. At nasa Spain at Netherlands ang dalawa ngayon na busy sa pamamasyal sa iba’t ibang tourist spot at shopping.

Samantala, happy si Jules at yung dalawang singles niya na “MAARI BANG IBIGIN KA” at “KATUPARAN” na magkasunod niyang ini-release ay parehong nasa karaoke na. Tuwang-tuwa ang singer-TV host sa mga feedback na nakararating sa kanya na kinakanta na sa karaoke ang mga nabanggit niyang kanta ng mga kababayan natin sa abroad at siyempre dito sa Pilipinas.

BILANG negosyante, lahat na yata ng matitinding pagsubok ay pinagdaanan na ni Madam Yvonne Benavidez. Pero never siyang bumagsak o yung walang-wala na. Dahil bukod sa masipag at madiskarte ay malalim ang faith niya kay Poong Nazareno at matagal na siyang deboto nito sa Quiapo Church.

Yes, very God-fearing person si Madam Yvonne na bumibisita sa iba’t ibang simbahan. Kaya masasabing blessed pa rin siya. Tatlo ang anak ni Madam Yvonne na pawang lalaki at graduate na sa kolehiyo ang kanyang eldest. Bilang negosyante naman na binansagan pang TITA MEGA-C. Yes, siya lang naman ang owner ng MEGA-C Vitamins na sumikat mula noong early 2000 na ang Asia’s King of Talk at Fast Talk host na si Boy Abunda ang endorser. Ang edge ng Mega-C sa ibang brand ng Vitamin C, bukod sa malaking tulong ito sa ating immune system, nakagaganda pa ng balat. Inaayos pa lang ni Madam Yvonne ang pagbabalik nito sa market. Hanggang ngayon kasi ay hinahabol pa niya ang mga taong pinagkatiwalaan niya sa MEGA-C na niloko siya sa pera.

Sa ngayon ay nanggagaling ang source of income ni Madam Yvonne sa mga sideline niya sa pagbebenta ng kung anu anong produkto. At kung ganda naman ang pag-uusapan ay still beautiful pa rin at hindi tumatanda si Madam Yvonne. And her skin is flawless at dahil yan sa pag-inom niya regularly ng kanyang Mega-C.