Ni Archie Liao
ISINIWALAT ni Michelle Dee na naging biktima umano siya ng pagnanakaw ng mga taong kanyang pinagkatiwalaan.
Sa broadcast channel niya sa kanyang Instagram, ibinulgar niya ang tungkol sa isang creative at dyowa nito na tumira at nagtrabaho umano bilang mga katiwala sa kanyang apartment.
Hirit pa niya, umamin na raw ang mga ito hinggil sa kanilang pananagutan sa kanyang nawawalang sasakyan na sa huli ay na-recover na.
Caption niya:“My car was stolen and recently retrieved in the Philippines. Unfortunately a regular creative and his girlfriend that worked and lived in one of my apartments in Manila has admitted responsibility for it.”
Sey pa niya, nakapanghihinayang kapag na-betray ang trust mo ng mga taong pinagkatiwalaan mo.
“It’s honestly so unfortunate when you trust, forgive, and build people up only for them to go behind you and prioritize their own personal agendas, ” aniya.
Hirit pa niya, binalaan na raw siya noon ng ibang tao laban sa couple pero hindi raw niya ito pinakinggan.
“My supporters from day one would probably decipher who this is but let’s stay calm and hope he delivers,” pahayag niya.
Sa ngayon ay natuto na raw siya sa naging karanasan at hina-handle na ang sitwasyon.
Hiling din niya ay maibalik pa ang ibang pag-aari niya na ipinagkatiwala sa nasabing mga kawatan, otherwise ay kakaladkarin daw niya ang pangalan ng mga ito sa press.
“I’m currently handling this internally but if my deliverables, properties that are under their possession and materials that are under signed valued storage aren’t returned then my hand will be forced to take their names and this story to the press.
Sinabi pa niya na ini-encourage niya ang kanyang followers na ipamahagi ang kanyang kuwento para magsilbing babala sa madlang pipol.
“Professionalism and proper communication is all we asked for,” bulalas niya.
“Be careful who you trust and give access to,” pagtatapos niya.
Si Michelle ay isa sa mga rumampa sa Paris Fashion Week.