Advertisers

Advertisers

Yamsuan naghain na ng Certificate of Candidacy bilang Congressman ng Parañaque 2

0 28

Advertisers

Hawak ni Congressman Brian Raymund Yamsuan ang kopya ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) bilang kinatawan sa Kongreso ng 2nd District ng Parañaque City mstapos siyang maghain ng kandidatura bilang independent candidate sa Commission on Elections-Office of the Regional Election Director-National Capital Region sa San Juan City ngayong umaga (Oct. 1, 2024).

Bago tumungo sa Comelec, inihayag ni Yamsuan sa libu-libong supporters sa Parañaque City ang kanyang platapormang H.O.P.E. na sumisimbolo sa Health, Oportunidad, Peace at Edukasyon para sa mga taga-2nd District. Ang kanyang H.O.P.E. agenda ay may layuning 1) mabigyan ng de-kalidad at abot-kayang Health and medical care; at 2) tunay na Oportunidad para magkaroon ng trabahong sapat at makakabuhay sa kanilang mga pamilya ang mga taga-2nd District. Kasama rin dito ang pagpapatupad ng mga programa para matiyak na may 3) Peace, kaayusan at kaligtasan sa mga komunidad; at 4) may access sa Edukasyon ang lahat ng mga Paraãqueno sa distrito. (CESAR MORALES)





style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">