Advertisers
DISMAYADO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naging pahayag ni dating Vice President Sara Duterte na hindi sila magkaibigan.
Ayon sa Pangulo naloko lamang siya ni VP Sara dahil pinaniwala siyang magkaibigan sila nito subalit hindi naman pala.
“I always thought that we were. But maybe I was deceived,” tugon ito ni Pangulong Marcos sa mamamahayag sa isang kapihan sa ASEAN Lao Summit nang hingan ng komento sa sinabi ni VP Sara na hindi sila kailanman naging magkaibigan ng Pangulo.
Matatandaang noong nakaraang buwan ay sinabi ni VP Sara na hindi niya talaga kaibigan si Pangulong Marcos at nagkakilala lang sila nang magtambal para sa 2022 presidential elections.
Samantala, sinagot naman ang Pangulo kung bakit hindi niya itinalaga ang Bise Presidente bilang caretaker ng bansa.
“Oh, because she’s not part of the administration anymore. She’s still in government, but she left the administration. So, she’s not part of the administration anymore. So, she’s not part of the — really, the day-to-day running of what we are doing. So, it would be unfair to ask her — to impose that duty on her since that’s not part of her work now,” paliwanag ng Pangulo. (Vanz Fernandez)