Advertisers

Advertisers

KERWIN PINUWERSA NI BATO PARA MAGTURO NG DRUG LORDS?

0 2,515

Advertisers

Sa mga isyung pambibintang tulad nang manggalaiti si SENATOR RODRIGO DUTERTE dahil sa A1 INFO niya na may mga personalidad na papipirmahin sa dokumento si DISMISSED BAMBAN MAYOR ALICE GUO ay mistulang boomerang na sarili mismo niya ang nalantad sa gawa-gawang mga akusasyon tulad nang isiniwalat ni KERWIN ESPINOSA (anak ni EX-ALBUERA, LEYTE MAYOR ROLANDO ESPINOSA) na umano’y inatasan siya ni BATO DELA ROSA na idawit o isangkot sa ILLEGAL DRUGS ang ilang matataas na personalidad sa nakaraang administrasyon.

Nitong nagdaang pagdinig ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) ay maluha-luhang ikinuwento ni KERWIN kung paano pinatay ang kanyang ama ng mga opisyal ng PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) sa pagkukunwari na may mga baril ang dating alkalde sa loob ng kanyang selda.., na bago nakulong si MAYOR ESPINOSA ay naisama ito sa DUTERTE NARCO LIST at umano’y sinasabing isang DRUG LORD na nagmonopoliyo sa ILLEGAL DRUG TRADES sa AlLBUERA, LEYTE.., kung saan si KERWIN na noon ay nasa ibang bansa ay sinabihan umano na bumalik sa ating bansa at kausapin ang noo’y PNP CHIEF BATO DELA ROSA.

Noong panahong iyon na kababalik lamang ni KERWINn mula sa ABU DHABI at nahaharap sa mga kasong may kinalaman sa droga ay Inamin nito na gumamit siya ng droga mga 20 taon na ang nakalilipas.., ngunit hindi siya kailanman naging drug lord at hindi rin siya kailanman nasangkot sa ILLEGAL DRUG TRADES.



Si KERWIN na nahuli sa ABU DHABI noong 2017 sa pekeng kaso ay personal na sinamahan ng noo’y PNP CHIEF BATO at noong siya ay sumakay sa kotse kasama si BATO ay sinabihan siya (KERWIN) na idawit si LEILA DE LIMA bilang PROTECTOR ng ILLEGAL DRUG TRADES sa NEW BILIBID PRISON sa panahon ng kanyang termino bilang DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) SECRETARY.., na pinilit din daw siyang idawit ang CEBU-BASED BUSINESSMAN PETER LIM sa drug trade.., pero kung tatanggi itong pangalanan sina DE LIMA at LIM ay magdurusa umano siya tulad sa naging kapalaran ng kaniyang ama.

Bilang tugon naman sa mga akusasyon ni KERWIN ay sinabi ni SEN. BATO na kapag nakita niya si KERWIN ay susuntukin niya ito sa mukha dahil sa kanyang mga kasinungalingan. Pahayag ni BATO nang bumisita siya kay KERWIN ay napag-usapan lamang umano nila kung bakit inakusahan ng huli ang EX-POLICE CHIEF na si JOVIE ESPENIDO na tumatanggap ng DRUG MONEY.., at nang tanungin naman kung dadalo si BATO sa mga pagsisiyasat ng KONGRESO ay sinabi niyang “hindi siya dadalo sa mga pagdinig ng Quad Committee.



Tila ang taktikang scripted accusations ng dating administrasyon ay sistemang inilunsad upang pilitin ang mga tao na iugnay ang mga kaaway ni DUTERTE sa kalakalan ng droga upang ang bawat kaaway ay ma-neutralize o mapatahimik.., na tila multong gumugulo ngayon sa guniguni ni BATO tulad sa panggagalaite nito na may mga matataas na personalidad ang kumikilos para papirmahin ng affidavit si ALICE GUO para ang lahat ng katiwalian at krimen ay si DUTERTE, BATO, BONG GO at iba pa ang mga naging MASTERMIND.

Tumestigo noon si EX-ILOILO MAYOR JED MABILOG na idineklara sa publiko ng DUTERTE ADMINISTRATION na siya ay iniugnay sa droga at nagbanta na aalisin siya. Nakatanggap siya ng tawag mula kay BATO na nangako sa kanya na pakikinggan siya at kakausapin ni BATO si noo’y PRES. DUTERTE tungkol sa mga akusasyon.., na pinayuhan si MABILOG na magtungo sa CAMP CRAME upang magkausap sila ni BATO.., gayunman ay tinawagan si MABILOG ng isa pang opisyal pagkatapos ng kanilang pakikipag-usap kay BATO at sinabihan siyang huwag nang magtungo dahil pipilitin umano siyang iugnay sina MAR ROXAS at FRANK DRILON sa ILLEGAL DRUG TRADES kapalit ng kanyang buhay at kaligtasan.



Siyempre pa mga ka-ARYA.., sa takot ni MABILOG sa maaaring mangyari sa kanya ay tumakas na siya at namalagi sa UNITED STATES OF AMERICA.

Sa walang humpay na pagdinig at mga rebelasyong natitipon ng CQC ay nalalantad na ang publiko ay bulag sa katotohanan ng mga kaganapan sa DUTERTE ADMINISTRATION.., na ang naging pamumuno nito sa ating bansa ay pawang PEKE ang WAR ON DRUGS dahil sa likod ng maskarang mala-anghel ay pawang palabas lamang dahil ang reyalidad ay ipinatumba ang mga sumalungat sa kanilang sistemang pagpapairal ng CORRUPTIONS at KRIMINALIDAD sa ating bansa kasabuwat ang mga minamahal ni DUTERTE na mga CROOKED CHINESE NATIONALS!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.