Advertisers

Advertisers

TANDEM PARA PALAKASIN ANG KABATAAN

0 19

Advertisers

NOONG nakaraang linggo, nagkaroon ng pagpupulong ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ang National Youth Commission (NYC) upang magkaroon ng tinatawag na ‘collab’ o’ collaboration, para palakasin ang mga kaalaman ng mga kabataan na labanan ang insureksiyon.

Sa meeting na iyon, binigyang halaga ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. ang pagsa-sama-sama ng mga ahensiya ng pamahalaan upang i-address ang mga social, economic, at pagkaka-iba-iba sa politika na paniniwala, na nag-papayabong sa pag-rerebelde ng ilan nating kababayan.

Kailangan nga raw na mag-karoon tayo ng pagkakaisa upang labanan ang pagrerecruit ng CPP-NPA-NDF sa ating mga kabataan. Iyan daw ay makikita rin sa mandato ng NYC, na itaguyod ang karapatan ng mga kabataan at pangalagaan ang mga Ito.



Senigundahan naman agad ito ni Undersecretary Joseph Francisco “Jeff” Ortega, chairperson ng NYC, kasama pa ang iba pang mga commissioners, na nangako rin ng kanilang suporta sa hangarin ng task force. Kabilang na rito, ang kanilang paanyaya sa NTF-ELCAC na makibahagi sa kanilang mga NYC events, gaya ng National Youth Convention sa December, at maaaring maging resource speakers pa ang mga opisyal ng task force gaya ni Torres.

Sa miting pa rin na iyon, iprinisinta nina Trina M. Mallari at Daniel Castillo, ang ‘updates’ sa Executive Order 70 at mga pananaw kung paano nangyayari ‘terror grooming’ at paano nalilinlang ang ating mga kabataan.



Parehong nangako ang NTF-ELCAC at NYC na pangangalagaan ang mga kabataan para na rin makamtan at magbigay daan sa tunay na kapayapaan at kaunlaran.

Mahalaga itong tandem na ito para malabanan ang napakalawak na pamamaraan ng insureksiyon, at mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kabataan.



Palagay ko naman, sa ngayon, ay halos nalalaban na natin ang rebelyon. Halos ubos na ang CPP-NPA-NDF sa bansa. Pero, nandiyan pa ang kanilang mga galamay at mga kaalyadong nagpapanggap na kasama ng ating maayos na lipunan.

Kaya dapat din nating makiisa sa tandem na ito ng NTF-ELCAC at NYC para na rin sa ating mga kabataan at sa mga darating pang mga henerasyon.