Advertisers

Advertisers

Sue hiwalay na sa syotang mayor

0 31

Advertisers

Ni Archie Liao

MALAKAS ang bulung-bulungan na hiwalay na raw umano ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez at ang dyowa nitong si Victorias City mayor Javi Benitez.

Irreconcilable difference raw ang dahilan ng ‘break up’ ng dalawa.



For sometime, naging subject din ng blind items na minsan nang nagkakalabuan ang magdyowa.

Naging basehan kasi ng mga tsismosang kapitbahay na wala na silang posts na magkasama for months sa kanilang social media accounts.



Noon kasi ay very visible si Sue sa bayan ni Mayor para suportahan ang mga proyekto nito.

Katunayan, itinuturing na nga siyang adopted daughter ng nasabing lalawigan dahil napamahal na ang aktres sa constituents ni Javi.



Hirit pa ng kibitzers, ang paglalagi raw o madalas na pagpunta ni Sue sa Victorias ay paghahanda na raw sa magiging role nito bilang first lady ng nabanggit na public official.

Sa mga social media posts din nila noon, nilalanggam naman talaga sa ka-sweetan ang kanilang madalas na bonding sa kanilang out-of-town escapades.

Kadalasan din ay laging may pa-flowers pa si mayor sa kanyang nobya.

Sa debut naman ng aktres sa teatro just two months ago, naging usap-usapan din ang isyung ito ng mga katkatera at sawsawera.

Wala kasi si mayor para suportahan siya to think na malaking bagay ito kay Sue dahil unang pagsalang niya ito sa entablado.

Ayon naman sa patron ng mga hiwalay at marites par excellence na si Ogie Diaz, naniniwala raw siyang hiwalay na ang dalawa.

Sinabi niya ito sa kanyang vlog although hindi niya matumbok ang dahilan ng breakup ng dalawa.