Advertisers
I
Arestado ang dalawang lalaki ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-BAR sa ikinasang joint firearms buy-bust operation sa Barangay Tambo, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.
Kinilala ang mga naaresto na si Taher Boamba alias Ismail at Daw Rivas na mga residente ng naturang lugar.
Ayon kay CIDG BAR Regional Chief PLt. Colonel Ariel Huesca, walang kawala ang dalawang suspek matapos na maaktuhan na nakikipagtransak sa tauhan ng CIDG.
Nakuha sa kanilang posesyon ang isang unit ng elisco riffle, isang unit ng 30 rounder magazine, 33 piraso ng live ammunition, bandolier at isang unit ng cellphone na ginamit sa transaksyon.
Nakakulong na ngayon ss custodial facility ng CIDG Maguindanao ang dalawa.