Advertisers

Advertisers

Evangelism Seminar sa Jeonju na dinaluhan ng 16,000 nagtapos na

0 8

Advertisers

NAGTAPOS na ang isang mala-festival na seminar sa Jeonju, North Jeolla Province para sa pagtitipon kung saan ipinaliwanag ang mahirap maunawaang aklat ng Pahayag.

Idinaos nitong nakaraang Oktubre 13, 2024 ng Shincheonji Church of Jesus the Temple of the Tabernacle of the Testimony ang‘Shincheonji Jeonju Evangelism Seminar’ na dinaluhan ng 16,000 katao, kabilang ang 250 mga pastor. Nag-uumapaw ang main building at annex, maging ang parking lot ng Shincheonji Jeonju Church kung saan idinaos ang convention. Dahil sa limitasyon ng kapasidad sa lugar at para na rin sa kaligtasan ng mga tao, hindi naimbitahan ang lahat.

Bunga nito, mahigit 200 mga pastor ang nakinig online at umabot sa kabuuang 117,000 ang online viewers. Punong-puno ng mga tao ang paligid ng Shincheonji Jeonju Church kung saan idinaos ang seminar apat na oras bago magsimula ang pagdiriwang. Dalawang oras bago magsimula ito, napuno na ang mga upuan sa loob ng gusali at maging ang mga upuan sa parking lot sa labas nito.



Bukod pa rito, pumila upang mag-abang ang mga maagand dumating na kasapi ng Shincheonji Church of Jesus mula ‘Honam Jeilmun Gate’ malapit sa Jeonju Interchange hanggang sa venue, may isang kilometro ang haba upang saksihan ang isang parada. Nagmartsa ang isang military band at ang farmers’ band na nakabihis ng tradisyonal na costume, dahilan upang magmistulang festival ang evangelism seminar.

Mas naging makabuluhan ito sa pagdalo ng humigit-kumulang 150 mga pastor mula sa ibat-ibang denominasyon. Ayon kay Chairman Lee Man-hee, na siyang lecturer ng naturang seminar sa pasimula ng kaniyang lecture: “If there is anything wrong with the words I am preaching, please raise your hand and ask questions at any time.”



Ipinaliwanag ni Chairman Lee, gaya ng pagtupad ni Hesus sa mga propesiya sa Lumang Tipan sa panahon ng Unang Pagparito, tinutupad ang Aklat ng Pahayag ngayon, at habang ipinaliliwanag niya ang Book of Revelation kada kabanata, aniya:“Kailangang malaman ko kung sino ako sa Bibliya at kung nalikha ba ako ayon sa Biliya (I must confirm who I am in the Bible and whether I have been recreated according to the Bible.)”

Paulit-ulit na binanggit ni Chairman Lee na “hindi dapat dagdagan o bawasan ang nilalaman ng Aklat ng Pahayag (the contents of the Book of Revelation should not be arbitrarily added to or subtracted from),” at “kung may isang lugar na maliwanag itong ipinahahayag, dapat kang magtungo rito, tingnan at matuto (if there is a place that clearly testifies, you should go and check and learn)” bilang paghimok niya sa mga tao na direktang suriin ang mga katuruan ng Shincheonji Church of Jesus.



Matapos ang kaniyang lecture, dalawang pastor mula sa ibang denominasyon ang nag-abot ng palumpon ng mga bulaklak kay Chairman Lee at nagwika, “ Salamat sa pagpapaliwanag sa akin ng Aklat ng Pahayag. Pag-aaralan ko ito nang mabuti at ikakalat. (Thank you for enlightening me about the Book of Revelation. I will learn this word well and spread it.)”

Ayon naman sa isang pastor mula sa North Jeolla region na dumalo rin sa seminar: Nakakamangha na makita siya na sinasabing ang Aklat ng Pahayag ay ang pangako ni Hesus at hindi ito dapat dagdagan o bawasan (“It was impressive to see him strongly state that the Book of Revelation is Jesus’ promise and should not be arbitrarily added to or subtracted from).” Dagdag pa niya:“Palagay ko’y makabubuting buksan ang iyong puso at aralin itong mabuti (I think it would be good to open your heart and learn this word earnestly.)”

Isa namang missionary mula sa kalapit na rehiyon ang nagsabi: Napanood ko ang lecture sa Youtube matapos ang Ulsan Word Seminar noong Enero. Sobrang nakakapanibago, parang ulan ang salitang ito. Pakiramdam ko’y natagpuan ko ang bagong gabay sa aking pagiging misyonaryo. (I watched the YouTube lecture after the Ulsan Word Seminar in January, It was shockingly refreshing, this word was like rain. I feel like I have found a new guide for my missionary work going forward.)”

Sa araw ding iyon, tuloy-tuloy na nag-promote ang mga kasapi ng Thomas tribe ng Shincheonji Church of Jesus upang isakatuparan ang layunin ng evangelism seminar at nakipag-usap sa mga tao, kung saan nagpakita ang mga residente sa lugar ng interes sa pamamgitan ng pagkuha ng larawan ng parada.

Samantala, nauna rito, nagmartsa din ang Thomas tribe upang I-promote ang evangelism seminar sa Jeonju Pungnammun Market at sa Jeonju Hanok Village. Nagtipon sila upang ikalat ang salita ng katotohanan patungkol sa katuparan ng Revelation.

Ayon sa isang opisyal ng Shincheonji Church of Jesus: “Nagpapasalamat kami sa mga dumalo na sumuporta at bumisita sa amin sa loob ng 20 araw. Maghahanda kami ng mas maganda pang oportunidad para magkita-kita tayong muli. Sa hinaharap, patuloy na isasabuhay ng Shincheonji Church of Jesus ang buhay pananampalataya ayon sa Bibliya at gagawin ang buong makakaya nito upang ikalat ang salita ng Aklat ng Pahayag na nagkakatotoo na ngayon. ( We thank the participants who supported and visited us for 20 days. We will prepare even better opportunities so we can meet again. In the future, Shincheonji Church of Jesus will continue to carry out a life of faith according to the Bible and do its best to spread the words of the Book of Revelation that have been fulfilled for us today.)”