Advertisers

Advertisers

Municipal budget officer ng bayan ng Larena sa Siquijor, mga miyembro ng BAC ng naturang bayan maging ang dating mayor nito inireklamo

0 46

Advertisers

Pinatawan ng isang taon na suspension ng Office of the Ombudsman Visayas ang municipal budget officer ng bayan ng Larena sa Siquijor kasama na ang lima pang miyembro ng BAC ng naturang bayan. Ito ay sa bisa ng inilabas na decision ng Office of the Ombudsman Visayas noong September 4, 2024.

Nag-ugat ito sa isang online letter of complaint na isinumite ni Darel Ybanez sa opisina ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng presidential complaint center noong January 9, 2022.

Nakasaad sa naturang liham ang mga iregularidad na nangyayari umano sa bayan ng Larena. Kasama na rito ang ‘di umano’y anomalous procurement ng bigas mula sa Ronkz System Solutions, sa kabila ng pagiging ineligible supplier nito.



Ang Ronkz System Solutions ay nauugnay sa pagbebenta ng mga office of school supplies. Sa kabila n’yan sa kanila pa rin daw ibinigay ang kontrata na may approved budget of contract na P198,000 noong December 2018, ayon din kay Ybanez.

Isa umano ang kanyang ina sa mga nabigyan ng bigas ng Larena LGU. Isang sako ng bigas o 50 kilos daw dapat ang matatanggap ng mga senior citizen sa lugar ngunit ang ibinigay lang ay limang kilo ng bigas.

Bukod dito, may mga wheelchair din daw dapat na ipamamahagi ang LGU sa mga nagangailangan. Ngunit nang bigayan na nito, nagulat umano ang mga nakatanggap dahil walker imbes na wheelchair ang ibinigay sa kanila.

Kaya naman, dito na raw naglakas-loob si Ybanez na magreklamo na para matigil na ang mga anomalyang nangyayari sa kanilang lugar.

Sa inilabas na desisyon ng Ombudsman, nakasaad na… “all of the municipality of Larena Siquijor are guilty of grave misconduct and meted the penalty of suspension for one year”.



Kasama sa mga respondents ang mga sumusunod… Clifford Quillicot – Municipal Budget Officer, Rito B. Abapo – Municipal Planning and Development Officer/BAC Vice Chairman, Jorge A. Arcaya – Municipal Agriculturist/BAC Chairman, Cristino C. Sister Jr. – Municipal Engineer/BAC member, Ellson A. Calibo Jr. – ICO Municipal Treasurer/BACC member, Micheal P. Araya – BAC-TWG.

Kabilang naman ang dating mayor ng Larena na si Dean Samson Villa sa mga inireklamo.