Advertisers

Advertisers

5 katao todas sa pamamaril sa Maguindanao

0 7

Advertisers

NASAWI ang limang residente, isa menor-de-edad, sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Linggo, October 27, 2024.



Sa ulat nitong Lunes ni Brigadier General Romeo Jaime Macapaz, director ng Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region, unang napatay sa poblacion ng Datu Odin Sinsuat ang 16-anyos na si Abdulrahim Mangundatu na binaril ni Alrashid Untong, isang security guard.

May alitan diumano sina Untong at Mangundatu na nauwi sa madugong insidente.

Tumakas si Untong at nakapatay ng isa pa sa pamamaril, si Nasser Halid.

Napatay naman si Untong ng mga kamag-anak ni Halid na may mga baril din.

Dalawang residente pa ng Datu Odin Sinsuat ang nasawi sa ikalawang madugong insidente sa naturang bayan nitong Linggo, ayon sa ulat ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station kay Macapaz.

Napatay ni Suharto Antong sa pamamaril ng kapitbahay na si Solayman Maulana dahil diumano sa ingay nitong kumanta gamit ang isang sound system sa isang lugar sa poblacion parin ng Datu Odin Sinsuat.

Nakaganti ng putok si Maulana kaya nasawi din si Antong, ayon sa lokal na pulisya.