Advertisers

Advertisers

Kabaong itinaas malapit sa bubong sa tindi ng baha sa CamSur

0 8

Advertisers

KINAAWAAN online ang sinapit ng isang burol nang itaas malapit sa bubong ang kabaong ng pumanaw na lola dahil sa matinding pagbaha dulot ng bagong Kristine sa Camarines Sur.

Sa Facebook post ni Danice Audrey Abante, ibinahagi niya ang sinapit ng burol ng kanyang lolang si Elizabeth Abante, 75 anyos, na namatay Oktubre 21 dahil sa sakit sa puso.

Ayon kay Danica, wala silang choice kung hindi ang itaas na lamang ang kabaong ng yumaong lola dahil sa tindi ng baha na naranasan sa kanilang lugar.



“Mayung ibang choice, la sana naiintindahan mo. Hanggang sa huring paghali mo, nasasakitan kapa.

Dawa improvise lang higdaan kang lolo, aantabayan ka niya daa. Pakatatag ka lo. Yaun kami, ” aniya sa kanyang caption.

Nadurog ang puso ng mga netizens sa post ni Danica.