Advertisers

Advertisers

DILG most wanted killer ng konsehal timbog

0 189

Advertisers

NADAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang isa sa most wanted person sa talaan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na sangkot sa pagpaslang sa isang konsehal ng Las Pina City, sa isinagawang operasyon sa lalawigan ng Bulacan

Sa ulat kay QCPD District Director, Colonel Melecio Buslig, Jr., nadakip ang suspek na si Allan Baisa Bagatua alyas “Dennis”, 57 anyos, ng Barangay South Muzon, San Jose del Monte, Bulacan na sangkot sa pagpaslang kay Las Pinas City Councilor Edgardo Jimenez noong 1993.

Ayon kay Buslig, Oktubre 29, 2024, 8:30 ng hapon nang maaresto ng mga operatiba ng QCPD-DID katuwang ang PNP Intelligence Group, Regional Intelligence Unit PRO4A, at PRO 3 Regional Intelligence Division si Bagatua sa pinagtataguan niya sa Australia St., Barangay South Muzon.



Ang warrant of arrest laban kay Bagatua ay nagmula sa Branch 275 ng Las Pinas Regional Trial Court para sa kasong murder(Almar Danguilan/
Ernie dela Cruz)